NEW
Font size
WorksheetsMother Tongue Based (MTB) Quiz
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Si Bimbo ay maliit pa subalit siya ay
marunong.
Ano ang tawag sa mga salitang may
salungguhit?
Pandiwa
Pang-uri
Pangngalan
Pang-abay
Mahusay siyang sumulat ng kwento.
Ano ang pang-uring ginamit sa pangungusap?
mahusay
siyang
sumulat
kwento
Si Tina ay mabilis magbasa.
Ano ang kasalungat ng pang-uri na mabilis?
magaling
mahusay
mabagal
mahina
Ano ang kasalungat ng salitang mabait?
kahangahanga
uliran
masama
mabuti
Ano ang kasingkahulugan ng salitang
marunong?
masipag
matalino
masigasig
marangal
Malakas pa ang hangin sa labas.
Ano ang kaantasan ng pang-uring may
salungguhit?
lantay
pahambing
pasukdol
Ang aking nanay ang pinakamasarap magluto ng tinolang manok sa aming bahay.
Ano ang kaantasan ng pang uring may salungguhit?
lantay
pahambing
pasukdol
Si Karen ay mas matangkad kaysa kay Karla.
Ano ang kaantasan ng pang uring may salungguhit?
lantay
pahambing
pasukdol
Tuwing hapon nagdidilig ng halaman si kuya.
Anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit?
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamaraan
pang-abay na pamanahon
Kaming magkapatid ay nagtungo sa silid-aklatan.
Anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit?
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamaraan
pang-abay na pamanahon
Maingat na binuksan ni bunso ang pinto.
Anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit?
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamaraan
pang-abay na pamanahon
Ang pagkain ay _____ bisita.
para kay
para kina
para sa akin
para sa mga
Huwag kang gagawa ng anumang _____ sa batas.
ayon
labag
hinggil
alinsunod
Nakikinig ang lahat _____ itinuturo ng guro.
ng
kay
sa
raw
Si Joy ay mahilig magbuhat ng sariling bangko.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
mapagkumbaba
maglipat ng gamit
itapon ang bangko
magyabang tungkol sa sarili
Si Miya ay iyakin kaya siya raw ay balat-sibuyas.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
maawain
masayahin
maramdamin
mahilig sa sibuyas
Sa panahon ngayon dapat tayong matutong
maghigpit ng sinturon.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
magtipid
magsikap
magpabaya
magdiwang
Namuti ang buhok ni Noli sa paghihintay kay Hilda na pumili ng susuotin.
Ano ang nais ipakahulugan ng sumusunod na hyperbole?
Matagal na naghintay si Nilo kay Hilda
Tumanda na si Nilo sa paghihintay kay Hilda
Bumabaha ng tulong sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Ano ang nais ipakahulugan ng sumusunod na hyperbole?
Walang tulong na dumating sa mga apektadong lugar
Maraming naibigay na tulong sa mga apektadong lugar
Pasan-pasan niya na ang daigdig.
Ano ang nais ipakahulugan ng sumusunod na hyperbole?
Binubuhat niya na ang mundo.
Marami na siyang problemang kinakaharap sa buhay
