NEW
Font size
WorksheetsESP 6 - Pagsang-ayon sa Pasya ng Nakararami
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Natalo ang inyong grupo sa paligsahan sa pagsayaw. Ano ang dapat ninyong gawin bilang ikaw ang lider ng grupo?
Nagpasya kang ibahin ang miyembro ng inyong grupo
Nagpasya kang tanggalin ang mga miyembrong di-gaanong marunong sumayaw.
Nagpasya kang mag-ensayo pang mabuti ang bawat miyembro upang manalo sa susunod na paligsahan
Nawawala ang pitaka ng iyong ina. Alam mo naiwala mo ito ng ipahabilin niya ito sa iyo sa palengke. Hindi niya ito maalala. Sinabi niyang hindi kakain ang lahat hangga’t walang umaamin kung nasaan ito. Ano ang pasya mo?
Ililihim mo na lamang ito sapagkat wala naman talagang nakakaalam.
Nagpasya kang aminin na ito upang hindi madamay ang iba sa iyong kasalanan
Sinabi mong nakita mo na nalaglag ito habang hawak ito ng iyong ina.
Nakita mo ang lalaking nagtatapon ng basura sa ilog na nakakalason sa mga isda at naninirahan malapit dito. Namukhaan mo ito at pinaghahanap ito ng mga opisyal ng barangay. Ano ang pasya mo?
Ituturo ko ang lalaking ito sa mga opisyal ng barangay.
Hindi ko ito pakikialaman sapagkat malayo naman ako sa ilog
Mananahimik ako kahit may alam ko sapagkat baka ang balikan ng lalaki.
Apat na pirasong tinapay na lamang ang natira sa mesa. Gutom na gutom ka at napansing mong gayon din ang apat mo pang mga kapatid mo. Ano ang pasya mo?
Hahati-hatiin ko ang tinapay upang makakain ang lahat
Kakainin ko ang isa sapagkat di naman nila alam at hahati-hatiin ko ang tatlo pang natitira para sa aming lahat.
Itatago ko na lamang ang tinapay upang di magkainggitan ang bawat isa.
Sunud-sunod na may nawawalang gamit sa inyong silid-aralan. Kilala mo ang kumuha nito at ito ay isa sa mga kaibigan mo. Nagagalit na ang guro at kung hindi pa aamin ang gumagawa nito ay pare-preho silang mapaparusahan. Ano ang pasya mo?
Tatahimik na lamang ako sapagkat baka magalit sa akin ang aking kaibigan.
kakausapin ko ang aking kaibigan at sasabihin kong ibalik na ang mga kinukuhang gamit ng palihim
Kakausapin ko ang guro at sasabihin kong alam ko kung sino ang kumukuha ng mga gamit sa silid-aralan.
Magkaibigan kayo nina Hanna at Trisha. Isang araw, nag-away sila at di nagkiikibuan. Tinawag mo sila at kayo’y nag-usap-usap. Tinanong mo ang dahilan ng kanilang di-pagkikibuan at pareho silang may katwiran. Ano ang iyong pasya?
Hindi na ako makikipagkaibigan sa kanila
Kampihan kung sino ang pinakamalapit sa iyong puso
Pagbatiin ang dalawa at hikayating kalimutan na ang nakaraan at di-pagkakaunawaan
Si Juni ang napiling lider sa pangkatang gawain sa Filipino. Iniasa na sa kanya ng lahat ng kanyang mga ka-miyembro ang lahat ng gawain. Minsan nagalit na siya sapagkat hindi siya sinusunod ng kanyang mga ka-miyembro.
Bibitawan na niya ang pagiging isang lider sa isang pangkatang gawain.
Itatanong niya sa kanyang mga ka-miyembro ang problema upang agad na masolusyunan ito.
Gagawin na lamang niyang mag-isa ang proyekto upang di magalit ang guro
Magkakaroon kayo ng pangkatang gawain. Gagawa kayo ng isang proyekto na ilalagay sa exhibit. Ikaw ang naatasang lider.
Ang mga miyembrong di ko kasundo ay bibigyan ko ng mahirap na gawain.
Ang mga kaibigan ko ay bibigyan ko lamang ng magagaang gawain
Ipapamahagi ko ang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan
Nais ninyong bumili ng karagdagang electric fan sa inyong silid-aralan. Iminungkahi ninyo ito sa inyong president. Ito ang kanyang naging pasya.
Aalamin muna kung magkano ang maiaambag ng nakakarami bago magpasya.
Ang mayayaman ay magbibigay ng mas mataas na halaga kaysa mahihirap
Bawat isa ay magbibigay ng limampung piso
Nagbigay ng anunsyo ang punungguro ng paaralan na nararapat na gumamit ng computer ang lahat ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang hindi susunod dito ay kukwestyunin at hindi mabibigyan ng promosyon. May ilang nagmungkahing mga guro. Alin kaya dito ang makatwiran?
Bigyan muna ng ilang linggong pagsasanay ang lahat bago ito matupad.
Kailangang ipatupad agad ito sapagkat mayroong mga guro na marunong gumamit ng computer at maaari na silang makauna sa promosyon.
Sa sariling bulsa kukunin ang gastos sa pag-aaral ng computer sa mga gurong hindi pa marunong gumamit ng computer bago ipatupad.
