Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARTS 5 - PAGPIPINTA

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis. Ano ang talon na ito?

a)

Maria Cristina Falls

b)

Nagcarlan Falls

c)

Laguna De Bay

d)

Pagsanjan Falls

2.

Ang _________ ay isang burol.Napakaganda nitong pagmasdan na matatagpuan sa Bohol. Ano ito?

a)

Chocolate Hills

b)

Mayon Volcano

c)

Mt. Ulap

d)

Bundok Kanlaon

3.

Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.

a)

Bundok Makiling

b)

Banaue Rice Terraces

c)

Mayon

d)

Mt. Apo

4.

Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugan ng complementary colors?

a)

Dalawang kulay na magkatapat sa color wheel

b)

Ang kulay na primary color ay laging katapat ang secondary colors.

c)

Tatlong kulay na magkakatabi sa color wheel

d)

Ang halimbawang kulay nito ay bughaw, dilaw at pula

5.

Alin ang halimbawa ng dalawang kulay na magkasalungat o complementary colors?

a)

Yellow at violet

b)

orange at blue

c)

red at white

d)

bluegreen at red orange

6.

Saan malimit naipahahayag ng mga pintor ang kanilang damdamin?

a)

sa pag-awit

b)

sa pagpipinta

c)

sa pagsasayaw

d)

sa panliligaw

7.

Si ___________ ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang-araw-araw na gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid.

a)

Jose Rizal

b)

Carlos “Botong” Francisco

c)

Vicente Mansala

d)

Fernando C. Amorsolo

8.

Sino ang tinaguriang “The Poet of Angono”?

a)

Fernando C. Amorsolo

b)

Vicente Mansala

c)

Carlos “Botong” Francisco

d)

Victorino Edades

9.

____ ay ang paglalapat ng kulay sa pamamagitan ng mga tuldok gamit ang dulong bahagi ng brush na isinasawsaw sa pintura.

a)

Pointillism

b)

Cross- hatching

c)

Layering

d)

Contour shading

10.

Ang _________ ay likhang- sining na nagpapakita ng likas na tanawin.

a)

Background

b)

Foreground

c)

Landscape

d)

Middle ground