wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsasanay sa Araling Panlipunan-Kalamidad FQAral.8

Total questions: 20

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ang kalamidad o sakuna ay mula sa natural na pangyayari na hindi natin inaasahan, na maaaring makapinsala sa ating paligid, kalusugan, mga ari-arian at sa mga taong nakapaligid rito.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Lahat ng tao o mamamayan sa ating bansa o lugar ay nakakaranas ng kalamidad o sakuna.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Isa sa mga dahilan ng pagguho ng lupa o landslide ay ang paglambot ng lupa dahil sa ulan o maaaring dulot ng pagyanig ng lupa

a)

Tama

b)

Mali

4.

Maaaring maiwasan ang pagbaha kung hindi tayo nagtatapon ng mga basura sa ating kapaligiran tulad ng sa mga kalsada, estero, kanal at dagat.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng sunog ay ang hindi maayos na linya ng tubo ng tubig sa ating kabahayan.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Nagbubuhos ng malakas na ulan, bumibilis ang ikot ng hangin sa paligid na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng baha at pagkasira ng ilang bahay, pananim at iba pa.

a)

lindol

b)

pagsabog ng bulkan

c)

landslide

d)

bagyo

7.

Ito ay isang pagyanig ng lupa, maaring dulot ng fault lines o pagputok ng bulkan.

a)

baha

b)

lindol

c)

bagyo

d)

sunog

8.

Ang (a)   ay isang biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, maaaring tumaas depende sa lakas ng pagyanig ng lupa sa ilalim ng dagat.

9.

Kapag napabayaan ng isang bata ang kandilang may sindi sa loob kwarto ay maaari itong pagsimulan ng (a)   .

10.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga kalamidad o sakuna, maliban sa isa.

a)

sunog

b)

baha

c)

lindol

d)

brown-out

11.

Maaaring tahimik o malakas ang pagsabog nito, may sinisingawan kung saan tumatakas ang mga tunaw na bato paakyat sa balat ng lupa

a)
b)
c)
d)
12.

Ang nasa larawan ay nagpapapakita ng serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa ilalim ng tubig tulad ng lindol, pagguho ng lupa at pagsabog ng bulkan

a)

lindol

b)

baha

c)

tsunami

d)

bagyo

13.

Malakas na hanging kumikilos paikot sa himpapawid na bumababa at tumatama sa lupa. Kalimitang may kasamang malakas at tumatagal na pag-ulan at malakas na kidlat.

a)

lindol

b)

sunog

c)

baha

d)

bagyo

14.

Hindi inaasahang pagtaas ng tubig sa isang lugar dulot ng tuloy -tuloy na pag-ulan, storm surge, tsunami, o high tide. Maaring dulot din ng mga gawain ng tao tulad ng maling pangangasiwa ng basura at kanal, pagpuputol ng mga puno at pagpapakawala ng tubig sa dam.

(a)  

15.

Isang pangyayari na dulot ng mabilis at hindi mapigilang pagkalat ng apoy na maaaring dulot ng sirang kable ng kuryente, mga kasangkapang naiwang nakasaksak, naiwang kandila na nakasindi, kalan at iba pa.

a)

sunog

b)

bagyo

c)

brown-out

d)

lindol

16.

mga panganib na natural na pangyayari na maaaring maging sanhi ng pagkasira ng kapaligiran at iba pa

a)

kaarawan

b)

pista

c)

kalamidad

d)

pagbabakasyon

17.

Ang kalamidad na inilalarawan sa sitwasyon na, habang naglalakad si Allan, naramdaman niya ang pag-uga ng kanyang inaapakan at kinatatayuan, inikot niya ang kanyang paningin, napansin niya na umuuga ang lahat ng mga bagay sa kanyang paligid.

a)
b)
c)
d)
18.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa sa maaaring idulot sa atin ng pagbaha?

a)

pagpasok ng tubig-baha sa loob ng bahay

b)

maaaring pagmulan ng sakit tulad ng leptospirosis, diarrhea at iba pa

c)

maaaring magsama-sama ang magkakapitbahay upang makapagdiwang

d)

pagkakuryente sa tubig-baha

19.

Paano mo ilalarawan ang nakikita mo sa sitwasyon?

4 lines
20.

Anong kalamidad ang nararanasan ng pamilya sa larawan?

(a)