wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Si Usman, Ang Alipin (Kuwentong-Bayan)

Total questions: 9

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ni Usman?

a)

Matapang

b)

Malakas

c)

Mataas

d)

Mayaman

2.

Siya ay isang sultang masama ang ugali at pangit ang itsura.

a)

Usman

b)

Potre

c)

Zacaria

d)

Maasita

3.

Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang anyong pisikal, ipinag-utos niyang ______________ ang mga lalaking nakahihigit sa kanya.

a)

alipinin

b)

patayin

c)

bitayin

d)

parangalan

4.

Ano ang unang ginawa ni Potre Maasita ng makadama siya ng pag-ibig sa nakabilanggong si Usman?

a)

nagpakasal ang dalawa

b)

tinulungang makatakas si Usman sa bilangguan

c)

nagmakaawa sa kanyang amang sultan na patawarin at pakawalan si Usman

d)

itinakwil niya ang kanyang ama at pumunta sa malayong lugar kasama si Usman

5.

Ano ang ginawa ng sultan nang mabalitaang lihim na nagpapadala ng mensahe ang kanyang anak sa mga guwardiya?

a)

Ipinag-utos niyang pakawalan si Usman.

b)

Ipinag-utos niyang ibilanggo si Potre Maasita.

c)

Pinarusahan niya ang mga guwardiya.

d)

Lubos niyang pinahirapan si Usman.

6.

Ano ang naging sanhi sa biglaang pagkamatay ng sultan?

a)

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo nito.

b)

Pinagtulungan siya ng kanyang mga nasasakupan.

c)

Bumuka ang lupa dahil sa malakas na lindol.

d)

Sinadya syang patayin ni Potre Maasita.

7.

Ano ang ginawa ng dalawang magkasintahan ng makalaya sila sa bilangguan dahil sa malakas na lindol?

a)

Mabilis silang tumakas at pumunta sa malayong lupain.

b)

Tinulungan nila ang mga sugatan at ang mga nasawi.

c)

Hinanap kaagad nila ang sultan at tinulungan.

d)

Mabilis nilang iniwanan ang palasyo at hindi na nanumbalik pa muli.

8.

Ano ang nangyari sa magkasintahan sa pagtatapos ng kuwento?

a)

Namuhay sila ng payapa at nagsimula ng bagong buhay sa kabilang bayan.

b)

Ikinasal sila at nagkaroon ng tatlong anak na magigiting.

c)

Si Usman na isang alipin ay naging sultan at si Potre Maasita naman ay naging isang sultana.

d)

Hindi nila tinanggap ang pamumuno sa kaharian at nagsimula ng bagong buhay ng malayo sa kaguluhan.

9.

Mula ng pamunuan ng dalawa ang sultanato, biniyayaan ang kahariang ng _______________ at _________________.

a)

pagmamahalan at kaunlaran

b)

pagkakaisa at pagtutulungan

c)

bagong pagkakakitaan at malakas na ani

d)

bagong pag-asa at pagkakasarinlan