WorksheetsQ1 - Esp 10 - Aralin 1 - Quiz #1
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
Mag-isip
Makaunawa
Maghusga
Mangatwiran
Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito
“Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap.
Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
May kasama ako na makakita sa katotohanan.
Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
Kakayahang mag-abstraksiyon
Kamalayan sa sarili
Pagmamalasakit
Pagmamahal
Buuin ang konsepto:
Isip: Makaunawa: Katotohanan
Kilos-Loob: Gumawa: ____________
Kabutihan
Kagustuhan
Pagkilos
Pagpapasiya
Isa-isahin ang halimbawa ng panloob na pandama.
Imahinasyon
Instinct
Kilos
Memorya
Tatlong Kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao ayon kay Robert Brennan.
Paggalaw
Pagkagusto
Pag-unawa
Pandama
Dalawang kalikasan ng tao ayon kay Esteban.
Emosyonal
Ispiritwal
Materyal
Pisikal
Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang (a) .
Nagkakaroon ng kabuluhan ang (a) ng tao kung nilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal at sa paglilingkod sa kapwa.
