wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP 5 - Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Isa itong kasangkapan sa paggawa na ginagamit na pambaluktot, pamukpok ng metal at pambaon sa pako at pait. Ano ito?

a)

Maso

b)

Katam

c)

Barena

d)

Martilyo

2.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paggawa ang ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, tumitiyak sa lapad at kapal ng tablang makitid at ginagamit kung nais tandaan kung iskwalado ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy?

a)

Iskwala

b)

Foot rule

c)

Zigzag rule

d)

Metro

3.

Ano ang uri ng lagari na ginagamit na pamutol nang paayon sa hilatsa ng kahoy?

a)

Ripsaw

b)

Crosscut saw

c)

Backsaw

d)

Coping saw

4.

Kagamitang pampakinis sa ibabaw ng mga tabla o kahoy, gamit ang kamay o di kaya'y kuryente.

a)

Kikil

b)

Lagari

c)

Pait

d)

Katam

5.

Ito ay maaaring yari sa kahoy, metal, at plastik na ginagamit sa pagsusukat ng mga bagay. May mga marka ito at linya sa gilid.

a)

Ruler

b)

Metro

c)

Medida

d)

Iskwala

6.

Ang oil stone ay isang uri ng kasangkapan sa paggawa ng produkto. Ano ang gamit nito?

a)

Pamutol

b)

Pang-ipit

c)

Panghasa

d)

Pampakinis

7.

Isang uri ng pambutas o pang-uka na ginagamit pang-ukit sa paggawa ng mga butas at hugpungan.

a)

Barena

b)

Pait

c)

Lagari

d)

Liyabe

8.

Ginagamit ito sa pagkukumpuni ng nasirang gripo at pamihit sa tubo.

a)

Liyabe

b)

C-clamp

c)

Brace

d)

Distornilyador

9.

Ito ay isang uri ng pang-ipit na mainam gamitin kung walang gato.

a)

Brace

b)

Distornilyador

c)

C-clamp

d)

Barena

10.

Ito ay uri ng lagari na may maraming iba't ibang talim na pambutas nang pabilog.

a)

Keyhole saw

b)

Coping saw

c)

Cross-cut saw

d)

Backsaw