NEW
Font size
WorksheetsESP 2 - PAGMAMAHAL SA KAPWA (Empathy)
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang matutuluyan dahil naanod nang baha ang kanilang bahay. Ano ang dapat mong gawin?
Sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.
Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
Tatanggapin sila ng maayos.
Hindi sila papansinin.
Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang malayong lugar, lagi siyang nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
Hindi ko siya papansinin.
Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.
Mayroon kayong kapitbahay na palaging nakasilip sa bintana ng inyong bahay tuwing nanonood kayo ng telebisyon dahil wala silang kuryente. Ano ang sasabihin mo sa mga bata?
Umuwi kayo sa bahay ninyo.
Umalis kayo diyan.
Bawal makipanood dito.
Dito na kayo sa loob manood.
Ano ang dapat mong gawin kapag mayroon kayong bisita sa inyong bahay?
Magtatago sa loob ng kwarto.
Humingi ng humingi ng pera sa nanay.
Ngumiti ng may paggalang sa mga bisita.
Di ko sila papansinin at maglalaro ako.
Ibinabahagi ni Janet ang baon niyang tinapay sa kaklase niyang walang baon . Ano ang ugali mayroon si Janet?
Matulungin
Masipag
Matapat
Magalang
Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo sa palaruan ng paaralan. Mayroong isang bata na nadapa at nasugatan. Ano ang iyong gagawin?
Panonoorin ko lang siya.
Tutulungan ko siya at dadalhin sa clinic para magamot.
Kunwari wala ako nakita.
Papaalisin ko siya sa palaruan.
Bago ka sa paaralan ninyo. Napansin ninyong may isang batang naka-Wheelchair ang hindi makaalis dahil nasabit ang gulong nito sa bakod. Anong gagawin mo?
Panonoorin ko siya.
Tutulungan ko siya.
Pababayaan ko na lamang siya.
Pagtatawanan ko siya.
Alin ang wastong pag-uugali sa pakikitungo sa kasambahay o katulong?
Mag-utos ng sunud-sunod dito.
Sigawan at palaging pagalitan.
Magsumbong sa mga magulang ng hindi totoo tungkol dito.
Mahalin at igalang din sila.
Ano ang dapat mong gawin sa taong may kapansanan?
Itulak sila palayo sa inyo.
Pagtawanan sila.
Igalang at tulungan sila.
Awayin sila.
Bago ninyong kamag- aral si Lloyd. Galing siya sa isang malayong barangay sa inyong bayan. Lagi siyang nag- iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko siya papansinin.
Lalapitan ko siya at kakaibiganin.
Pagtatawanan ko siya.
Pababayaan ko na lamang siya.
