wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit sa KOMFILI

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Anong gamit ng wika ang tumutukoy sa pagpapahayag ng personalidad ng isang indibidwal ayon sa sariling kaparaanan?

a)

Interaksyunal

b)

Instrumental

c)

Regulatori

d)

Personal

2.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglilinaw ng mensahe ng ninanais na pakikipagkaibigan?

a)

Sa akin, gusto kitang maging kaibigan.

b)

Sa palagay ko, magiging magkaibigan tayo.

c)

Sa akin, dapat tayong maging magkaibigan simula ngayon.

d)

Sa palagay ko, kailangan nating maging matalik na magkaibigan.

3.

Anong gamit ng wika ang makikita sa halimbawang pahayag tulad ng “Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay?”

a)

Regulatori

b)

Instrumental

c)

Heuristiko

d)

Personal

4.

Anong gamit ng wika ang masasalamin sa pahayag na “Sampung taon mula ngayon, ganap na akong matagumpay na negosyante”?

a)

Personal

b)

Imahinatibo

c)

Interaksyunal

d)

Heuristiko

5.

Sa ideolohiya ng mga negosyante at kapitalista, ginagamit nila ang wika sa mga patalastas upang makapanghikayat at impluwensyahan ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil nililikha nila sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa produkto (kailangan mo ito…) at nag-uutos na gayahin o gamitin ang kanilang produkto para sa interes ng kapital.


Anong gamit ng wika ang ipinapahayag ng sitwasyon sa itaas?

a)

Regulatori

b)

Interaksyunal

c)

Impormatibo

d)

Instrumental

6.

Ang paggawa ang liham-pangangalakal at iba pang kailangan sa trabaho tulad ng application letter ay nagpapakita ng anong gamit ng wika?

a)

Personal

b)

Interaksyunal

c)

Instrumental

d)

Impormatibo

7.

Ang paggawa naman ng liham-pangkaibigan at ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay sa anong gamit ng wika?

a)

Interaksyunal

b)

Instrumental

c)

Impormatibo

d)

Imahinatibo

8.

Paano kininokontrol ng mga ginagamit na tag line sa mga produkto ang isa/grupo ng mga konsyumer?

a)

Nakadaragdag ito ng popularidad ng isang produkto.

b)

Nakaiimpluwensya ito ng positibo sa mga konsyumer.

c)

Nag-uutos ito na gayahin o gamitin ang produkto para sa interes ng kapital.

d)

Nagbibigay ito ng karagdagang kalidad sa produkto upang maging kaakit-akit ito sa konsyumer.

9.

Anomang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangan nito.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang paggana ng ating imahinasyon sa tuwing tayo’y nagbabasa ng kuwento o nobela o nanonood ng pelikula ay patunay na ang wika ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

May mga wikang superior sa ibang wika sapagkat may kani-kaniyang saysay at kabuluhan ang bawat wika, sa konteksto ng mga taong gumamit o gumagamit nito.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Pinalalakas ng imahinatibong gamit ng wika ang pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ang silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na kultura.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ang gamit o tungkuling ginagampanan ng wika sa lipunan ay nagsisilbing basehan upang matukoy ang pagkakaroon ng superyor na wika.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Ang pananaliksik bilang kasanayang dapat matamo ay nagpapakita ng anong gamit o tungkulin ng wika?

a)

Heuristik

b)

Impormatib

c)

Instrumental

d)

Regulator