wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Bayaning Pilipino

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang kilala bilang Joan of Arc ng Tagalog at pinaniniwalaang inirekomenda ni Heneral Pio del Pilar na maging Honoraryang Henerala?

a)

Agueda Iquinto Kahabagan

b)

Marcela Marcelo

c)

Agueda Esteban

d)

Teresa Magbanua

2.

Sino ang babaeng katipunera sa Maynila na bumibili ng mga pulbura at mga bala para sa kaniyang asawa?

a)

Agueda Esteban

b)

Melchora Aquino

c)

Gregoria De Jesus

d)

Magthea Rodriguez

3.

Sino ang kilalang ilustrado na nagtatag ng “La Liga Filipina” sa Tondo noong 1892 upang maging daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino at sumulat ng “Noli Me Tangere”at “El Filibusterismo”, kwentong naghahayag ng pagmamalabis, pagmamalupit at pagkaganid ng mga pinuno at prayleng Espanyol sa mga Pilipino?

a)

Jose Rizal

b)

Gregorio del Pilar

c)

Marcelo H. del Pilar

d)

Antonio Luna

4.

Kinilala si Graciano Lopez Jaena bilang pangunahing orador ng mga Pilipino sa Espanya na naghahayag ng katiwalian at paninikil ng kalayaan ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang kanyang isunulat na nagbunyag ng kasibaan at kasamaan ng mga prayle?

a)

Caiingat Cayo

b)

Fray Botod

c)

La Solidaridad

d)

Sa Aking Kababata

5.

Bantog na mamamahayag at nakiisa sa pagpapalaganap ng damdamin ng kilusang propaganda sa pamamagitan ng pagsasalita at paglalathala ng mga babasahin tungkol sa maling pamamalakad sa Pilipinas. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Sino siya?

a)

Antonio Luna

b)

Ferdinand Marcos

c)

Juan Luna

d)

Marcelo H. del Pilar

6.

Bakit tinaguriang “Ina ng Katipunan” si Melchora Aquino?

a)

Tumahi sa watawat ng Pilipinas

b)

Bumibili ng mga baril at pulbura para sa sa kilusan

c)

Nagbigay ng salapi upang matustusan ang kilusan

d)

Pinakain niya at inalagaan ang mga sugatang rebolusyunaryo

7.

Isa sa mga matapang na bayani ng ating lahi na nagtatag ng kilusang katipunan noong na naglayong makamtam ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Sino siya?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregoria de Jesus

c)

Jose Rizal

d)

Mariano Ponce

8.

Sino ang galing sa mayaman pamilya na sumuporta sa mga katipunero at nagbigay ng 18,000 kay Jose Rizal sa Hongkong?

a)

Gliceria Marella De Villavicencio

b)

Gregoria De Jesus

c)

Melchora Aquino

d)

Patrocinio Gamboa

9.

Isa sa mga babaing nanguna sa kampanya upang makamit ng kababaihan ang karapatan sa pagboto at naging pangulo ng “Women Citizens’ League” .

a)

Dr. Maria Paz Mendoza Quezon

b)

Melchora Aquino

c)

Josefa Rizal

d)

Gregoria de Jesus

10.

Ano ang nakamit at tinamasa ng mga Pilipino ng makabagong panahon mula sa pakikibaka ng mga Pilpino sa mga naunang pag-aaklas?

a)

kalayaan

b)

karunungan

c)

kaunlaran

d)

kayamanan

11.

Ano ang mahalagang kututurang naidulot ng mga naunang pag-aaklas ng mga tinaguriang ‘prorebolusyunaryo’ gaya nina Lapu-Lapu, Sultan Kudarat, Diego Silang, at iba pa?

a)

Idaan sa digmaan ang pakikibaka sa kalayaan

b)

Ipaglaban ang mga karapatang mamuhay nang malaya

c)

Ipagtanggol ang mga naaping kababayan

d)

Itaguyod ang damdamingmakabayan tungo sa pagkakaisa bilang isang nasyon

12.

Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?

a)

Paggarote sa tatlong paring martir

b)

Pagpapasara ng pahayagang Pilipino

c)

Pagpapatapon sa mga Pilipino sa ibang lugar

d)

Pagbili ng mga ari-arian ng mga mayayamang Pilipino sa mababang halaga

13.

Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng mga Muslim sa Mindanao laban sa kolonyalismong Espanyol?

a)

Paggamit ng sariling diyalekto

b)

Pagbihag sa mga opisyal at prayle sa

Mindanao

c)

Paggamit ng kanilang tradisyon na tinawag

na pangangayaw

d)

Pagkapit sa kanilang relihiyon at pagdeklara ng jihad laban sa mga Espanyol

14.

Nakita ng mga Pilipinong ilustrado ang mga tiwaling pamamahala ng mga kastila. Sino-sino sa mga sumusunod ang kabilang sa Ilustrado na naglayon na gumamit ng mapayapang pamamaraan sa pagtamo ng kanilang karapatan.

I. Andres Bonifacio

II. Graciano Lopez Jaena

III. Jose Rizal

IV. Marcelo H. del Pilar

a)

Bilang I at II

b)

Bilang I,II at III

c)

Bilang II,III at IV

d)

BIlang IV lamang

15.

Ang pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas ay pinamunuan ni Francisco Dagohoy. Ano ang dahilan ng kaniyang rebelyon?

a)

Gusto niyang pamunuan ang bansa

b)

Tinutulan niya ang sapilitang pagtatrabaho

c)

Hindi niya gusto ang pagpataw ng buwis sa

mga Pilipino

d)

Nang tanggihan ng kura paroko na bigyan

ng kristiyanong libing ang kaniyang kapatid

na yumao