WorksheetsAraling Panlipunan 1
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Nahuli ang iyong sundo kaya naiwan ka sa guwardiya. Tinatanong ka niya kung saan ka nakatira. ano ang sasabihin mo?
Ako ay anim na taong gulang .
Ako ay si Maria Santos.
Nakatira po ako sa Taguig City.
Wala sa nabanggit.
Nagkaroon ng paligsahan sa isang birthday party. Tinanong ng payaso kung ano ang pangalan mo. Ano ang isasagot mo?
Ang aking mga magulang ay sina G. at Gng. Reyes.
Ako ay anim na taong gulang .
Ako po ay si Marivic Santos.
Lahat ng nabanggit.
May dumating na dentista sa iyong silid-aralan. Gusto niyang alamin ang impormasyon tungkol sa iyong kaarawan. Ano ang sasabihin mo?
Ako ay si Matthew Ballares.
Ipinanganak po ako noong ika-10 ng Marso, 2012.
Nakatira po ako sa Pinagsama Taguig City.
Wala sa nabanggit.
Nais mong pumunta sa bahay ng iyong kaibigan. Anong impormasyon ang dapat mong alamin upang makarating ka sa kanilang bahay?
Ang kanyang edad
Ang kanyang paaralan
Ang kanyang pangalan
Ang kanyang tirahan
Unang araw ng pasukan at masaya kang pumasok sa paaralan. Ano ang kadalasang impormasyon ang tinatanong ng iyong guro para ikaw ay kanyang makilala?
Ang iyong edad
Ang iyong kaarawan
Ang iyong pangalan
Ang iyong tirahan
Ang karamihang mata ng mga kakalase ko ay _____________.
Kulay asul ang mata.
May bilog at itim ang mata.
Singkit at asul ang mga mata.
Singkit at kulay berde ang mata.
Ang karaniwang buhok ng mga Pilipino ay _______________.
Itim at tuwid na buhok.
Kulot at kulay abo.
Kulay abo at tuwid
Mahaba at kulay puti
Ang tawag sa mga taong naninirahan sa Amerika ay mga Amerikano. Ano naman ang tawag sa mga taong naninirahan sa pilipinas?
Amerikano
Intsik
Hapones
Pilipino
Nasunugan ng bahay ang iyong matalik na kaibigan. Ano ang nararamdaman mo dahil sa pangyayari?
Magagalit kung saan nagmula ang sunog.
Magiging masaya ka dahail nasunugan sila.
Malulungkot ka sa nangyari sa iyong kaibigan.
Wala sa nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pangangailangan ng isang tao?
Laruan, bag at tirahan
Pagkain, celphone at damit
Pagkain , pera at laruan
tirahan , damit at pagkain
Habang naglalaro ka ay biglang kumalam ang tiyan mo, ano kayang pangangailangan ang dapat mong bigyan ng pansin?
damit
laruan
pagkain
tirahan
Nasunugan ang iyong kapitbahay at lahat ng kanilang gamit ay nasunog. Ano kaya ang dapat mong gawin upang makatulong sa kanilang pangangailangan?
Bibigyan ko po silang laruan para sa mga anak nila.
Bibigyan po namin sila ng mga damit para may maisuot sila.
Sasabihin ko po sa aking nanay naipahiram ang kanyang cellphone para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Wala sa nabanggit.
May pulubi kang nakita sa may kalsada. Lumapit siya saiyo at hinihimas niya ang kanyang tiyan. ano kayang pangangailangan ang dapat mong maibigay?
damit
laruan
pagkain
tirahan
Mag-aral nang mabuti upang makamit natin ang ating mithiin.
Ewan ko po.
Maari po.
Mali po.
Tama po.
Sumunod sa mga payo ng ating mga magulang upang makamit natin ang ating mga mithiin.
Ewan ko po.
Maari po.
Mali po.
Tama po.
Maglakwatsa araw-araw upang mapabuti ang pag-aaral at makapagtapos.
Ewan ko po
Maari po
Mali po
Tama po
Anong pagkain ang masustansya?
Prutas at gulay
Burger at hotdog
softdrinks
tsokolate
Ano dapat isuot kung taglamig?
makapal na kasuotan
manipis na damit
sando at shorts
uniporme
Ito ang paborito kong lugar. Maraming tao, malinis, dinarayo ng mga turista at makikita ang bantayog ni Dr. Jose Rizal.
Makati Park
Paco Park
Rizal Park
TLC Park
Siya ang paborito kong kapatid. Maliit at laging nagpapasaya sa buong pamilya.
ate
bunso
kuya
diko
Ito ang paborito kong laruan. Hugis bilog at kapag nilalaro ko ay laging tumatalbog.
bola
manika
trumpo
yoyo
Ano ang ginagawa ng mga bata sa paaralan?
Nagbabasa at nagsususlat
Naglalaro at nagbibilang
A at B
Wala sa nabanggit
Bakit kailangan ng mga batang pumasok sa paaralan?
Upang magkaroon ng bagong sapatos at damit.
Upang magkaroon ng maraming laruan.
Upang matuto at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Wala sa nabanggit.
Siya ang taong nag-alaga sayo mula pagkabata hanggang sa kasakukuyan.
kaibigan
magulang
ninang
kapitbahay
Alin ang tamang pagkakasunod na pagbabago batay sa timeline ng buhay.
lolo , binata, bata , tatay
tatay , lolo , binata , bata
bata , binata , tatay , lolo
Wala sa nabanggit
