wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panghalip Panao

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Sina Jane at Janus ay magkapatid. _______ ay palaging natutulungan sa isa't isa.


Alin sa sumusunod na panghalip panao ang bubuo sa diwa ng pangungusap sa itaas?

a)

Kami

b)

Kayo

c)

Sila

d)

Tayo

2.

"Anak, dalhin ____ ang mga damit dito sa sala," utos ni Nanay kay Maya na nasa kwarto.


Alin sa sumusunod na panghalip panao ang bubuo sa diwa ng pangungusap sa itaas?

a)

akin

b)

iyo

c)

ko

d)

mo

3.

"Magandang araw! ________ po pala si Benice, ang ______ kaibigan," pagpapakilala ni Anika kay Benice sa kaniyang mga kaklase .


Alin sa sumusunod na mga panghalip panao ang bubuo sa diwa ng pangungusap sa itaas?

a)

Ako, amin

b)

Siya, akin

c)

Ikaw, iyo

d)

Tayo, inyo

4.

Lagyan ng tsek (/) ang panghalip na nasa IKATLONG panauhan.

a)

amin

b)

kanila

c)

kita

d)

ninyo

5.

Anong panauhan ang panghalip panao na "KA"?

a)

Una

b)

Ikalawa

c)

Ikatlo

6.

Ano ang panauhan ng panghalip panao na "KATA"?

a)

Una

b)

Ikalawa

c)

Ikatlo

7.

Suriin ang kawastuhan ng nakasalungguhit na panghalip panao sa pangungusap.


Ang magkaibigan ay may tiwala sa isa't isa. Ikaw ay laging nagbabahaginan ng kuwento at kuro.

a)

Tama

b)

Mali - Kami

c)

Mali - Sila

8.

Isulat ang wastong panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Ang magkaibigan ay may tiwala sa isa't isa. (a)   ay laging nagbabahaginan ng kuwento at kuro.

9.

Isulat ang wastong panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.


"Nanay at Tatay, kumain na po ba (a)   ?" tanong ni Ben sa kaniyang mga magulang pagkadating galing sa trabaho.

10.

Isulat ang wastong panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.


"Anjo, pakitawag nga ang iyong tatay na nasa garahe. Sabihin (a)   kakain na tayo," utos ni Nanay sa akin.