Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KAMI'Y MAHALAGA RIN! : Kahalagahan ng mga Hayop sa Tao

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Aling hayop ang nakakatuwang ng mga magsasaka sa pagbubungkal ng lupa sa bukid?

a)

kalapati

b)

kalabaw

c)

baboy

d)

baka

2.

Anong uri ng produkto ang maaaring magawa mula sa balahibo ng tupa?

a)

pagkain

b)

inumin

c)

mga de latang produkto

d)

kasuotang panlamig

3.

Nakapagbibigay ng produktong itlog na maaaring pagmulan ng pagkain ang sumusunod na mga hayop maliban sa alin?

a)

pato

b)

pugo

c)

palaka

d)

manok

4.

Anong hayop ang itinuturing na "man's bestfriend" at tapat na nagbabantay sa tahanan ng kaniyang mga amo?

a)

tigre

b)

kuneho

c)

kabayo

d)

aso

5.

Ang sariwang gatas na mula sa kalabaw ay maari ding iproseso at gawing anong uri ng produkto?

a)

sukang sasa

b)

kesong puti

c)

lambanog

d)

kakanin

6.

Aling bahagi ng katawan ng mga hayop tulad ng buwaya at ahas ang ginagawang leather na siyang kagamitan sa paggawa ng matitibay na sapatos, bag at iba pang produkto?

a)

buntot

b)

binti

c)

balat

d)

wala sa nabanggit

7.

Anong uri ng hayop ang karaniwang katuwang ng kutsero sa paghahanapbuhay o sa paghila ng kalesa?

a)

kambing

b)

kabayo

c)

kalabaw

d)

kuneho

8.

Alin sa sumusunod na pahayag ang MALI tungkol sa kahalagahan ng mga hayop sa pamumuhay ng tao?

a)

Ang mga itlog mula sa manok, pugo at pato ay pinagmumulan ng pagkain.

b)

Ang karne ng manok, baboy at baka ay karaniwang ipinagbibili upang makain.

c)

Ang mata at tainga ng tupa ay pinagkukunan ng materyal na ginagawang kasuotang panlamig.

d)

Ang baka ay lubhang kapaki-pakinabang dahil nakapagbibigay ito ng karne at gatas na pinagmumulan din ng iba't-iba pang produkto.

9.

Paano nakakatulong ang mga bulate sa paglago ng mga pananim ng tao?

a)

Kinakain ng mga bulate ang dahon ng mga halaman.

b)

Binabantayan ng mga bulate ang itinanim na halaman ng mga tao.

c)

Hinihila ng bulate ang mga ugat ng halaman upang lalong bumaon sa lupa ang mga ito.

d)

Nagagawang ibuhaghag ng mga bulate ang lupa at ang butas na nalilikha nila ang siyang nagiging daan para higit na makakuha ng hangin at tubig ang pananim na halaman.

10.

Bakit itinuturing na mahalaga ang mga hayop sa pamumuhay ng mga tao?

a)

Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil maaari silang pagmulan ng sakit, sakuna at epidemya.

b)

Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil nakakapagbigay sila ng mga masusustansiyang gulay at prutas na maaaring kainin.

c)

Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil maaari silang pagmulan ng iba't-ibang produkto, pagkain, materyal at nakakatuwang din sila ng tao sa paghahanapbuhay.

d)

Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil sila ay nakapagbibigay ng mga makabagong produkto tulad ng cellphone, tablet, laptop at computer.