Font size
WorksheetsPanghalip Pamatlig at Kaantasan ng Pang-uri
Total questions: 20
Worksheet time: 25mins
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang angkop na magiging pahayag ng batang nasa larawan.
Akin ang bisikletang ito.
Ang bisikletang iyon ay pagmamay-ari ni Jian.
Ang bisikletang iyan ay kay Edward.
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang angkop na maaring tugon ng batang babae sa larawan?
Oo, ito nga ang payong na hinahanap ko.
Oo, iyan nga ang payong na hinahanap ko.
Oo, iyon nga ang payong na hinahanap ko.
Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang angkop na maaring sabihin ng bata?
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Bb. Cruz.
Ang bahay na iyan ay pagmamay-ari ni Bb. Cruz.
Ang bahay na iyon ay pagmamay-ari ni Bb. Cruz.
Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang angkop na maaring itugon ng bata?
Oo naman Kaibigan! Dito kami madalas maglaro ni Maria.
Oo naman Kaibigan! Doon kami madalas maglaro ni Maria.
Oo naman Kaibigan! Diyan kami madalas maglaro ni Maria.
Anong angkop na panghalip ang maaring ilagay sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
diyan
riyan
doon
roon
Anong angkop na panghalip ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
dito
rito
doon
roon
Ano ang angkop na panghalip ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
nito
niyan
niyon
Alin sa mga pagpipilian ang angkop na panghalip na maaring ilagay sa patlang?
nito
niyan
niyon
Alin sa mga pangungusap ang angkop na paglalarawan sa larawan na nasa itaas?
Magaling sumayaw si Nikki.
Magaling kumanta si Nikki.
Magaling tumugtog si Nikki.
Alin sa mga halimbawa ang pahambing na patulad?
Magkasing talino sina Claire at Ivan.
Di-gaanong magaling maglaro ng chess si Lan.
Mabait na bata si Carding.
Alin sa mga pangungusap ang halimbawa ng pahambing na palamang?
Sing-alat ng dagat ang iyong nilutong tinola.
Di-lubhang magaling si Cory sa pagpipinta kung ihahambing kay Luz.
Higit na nakakapinsala ang bagyo kaysa sa lindol.
Alin sa mga pangungusap ang halimbawa ng pahambing na pasahol o paghahambing na kulang sa katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan?
Di-gaanong marunong lumangoy si Loyd kung ihahambing kay Rico.
Mas magaling si Elijah sa Math kaysa kay Estefan.
Parehong sanay magbuhat ng mabibigat na bagay sina Joel at Chris.
Alin sa mga pagpipilian ang may pinakamataas na antas ng paghahambing ng mga pang-uri?
Ang diyamante ang pinaka mamahaling bato.
Higit na mataas ang puntos ni Zac sa kanilang pagsusulit kaysa kay Mina.
Malinis ang lugar ng baryo Msigla.
Alin ang halimbawa ng payak na paglalarawan ng katangian ng isang pangngalan?
Mahalimuyak ang bulaklak na Daisy.
Pinaka masipag si Ester sa buong magkakapatid.
Di-gaanong maganda nag napanood naming pelikula kanina.
Alin sa mga pagpipilian ang may pinakamataas na antas ng paghahambing ng mga pang-uri?
Litong-lito na si Berna kung aling takdang-aralin ang uunahin niya sa pagsagot.
Makalat ang kalye sa barangay Malaya.
Matipid sa pagkain si Kris.
Ilarawan ang bulaklak na ito.
Paghambingin ang dalawang kotse na ito gamit ang pahambing na palamang.
Paghambingin ang dalawa gamit ang pahambing na patulad.
Paghambingin ang dalawang bola gamit ang pahambing na palamang.
Bumuo ng pangungusap mula sa larawan na nagpapakita ng pinakamataas na antas ng paghahambing ng mga pang-uri.
