wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paggamit ng magalang na pananalita.

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Naaapakan mo ang paa ng iyong nanay dahil sa pagmamadali.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Salamat po.

b)

Makikiraan po.

c)

Hindi ko po sinasadya.

d)

Magandang araw po.

2.

Isasauli mo ang aklat na hiniram mo sa iyong kaklase.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Heto na ang aklat mo.

b)

Salamat .

c)

Pasensiya na.

d)

Makikiraan po.

3.

Binigyan ka ng regalo ng iyong tatay at nanay para sa iyong kaarawan.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Magandang araw po.

b)

Salamat po.

c)

Ayaw ko nito.

d)

Hindi po ito ang gusto ko.

4.

Nagmamadali kang umalis pero maraming tao sa iyong daraanan.


Ano ang sasabihin po?

a)

Umalis kayo diyan.

b)

Padaan ako.

c)

Pasensiya na po.

d)

Makikiraan po.

5.

Umaga ng naglalakad ka papasok nakasalubong mo ang iyong guro.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Magandang gabi po.

b)

Magandang umaga po.

c)

Magandang tanghali po.

d)

Makikiraan po.

6.

Pinakukuha ng guro ang aklat sa taas ng kabinet subalit hindi mo ito maabot.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Abutin mo ang aklat na iyon.

b)

Kunin mo ang aklat.

c)

Pakikuha nga po ng aklat.

d)

Aayaw ko po.

7.

Nagpasalamat sa iyo ang iyong kapatid sa bigay mong laruan.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Walang anuman.

b)

Salamat.

c)

Kamusta?

d)

Pasensiya na.

8.

Inutusan ka ng lola mo na kumuha ng tubig.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Ayaw ko lola.

b)

Opo lola.

c)

Hindi po.

d)

Bakit?

9.

Nahuli ka ng pasok sa paaralan.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Salamat po.

b)

Ipagpaumanhin po ninyo.

c)

Magandang gabi po.

d)

Magandang umaga po.

10.

Papasok kana sa paaralan.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Aywan ko po, Inay.

b)

Sige po, Inay.

c)

Paalam na po, Inay.

d)

Nakakalungkot po, Inay.