NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO - SUBUKIN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Aling bahagi ng pananalita ang nagpapakilala ng ngalan ng tao bagay, pook, hayop o pangyayari?
Pangngalan
Pang-uri
Pandiwa
Pang-abay
2. Ang Lungsod ng Heneral Santos ay tinaguriang Tuna Capital ng Pilipinas. Aling pangngalan ang tinutukoy ng salitang may salungguhit?
tao
bagay
pook
pangyayari
3. Ang aking ama ang pinakamahalang tao sa aking buhay. Alin ang pangngalang pambalana sa pangungusap?
aking
ama
akin
buhay
4. Ako ay nakatira sa malayong pook ng Barangay Batomelong. Ang salitang may salungguhit ay aling uri ng pangngalan?
pantangi
konkreto
pambalana
basal
5. Nakita ko sila sa _______ kahapon na masayang naglalaro. Aling uri ng pangngalan ang angkop gamitin?
tindahan
sasakyan
plasa
ospital
6. Sa pagpapakilala sa sarili, mainam na umpisahan ito sa iyong ____________. Alin ang tamang sagot?
pangalan
edad
paaralan
katangian
7. Dapat gumamit ng____________ na pananalita sa pagpapakilala ng iyong sarili. Alin ang angkop na salita?
alyas
totoo
magagalang
balbal
8. Ang mga sumusunod ay dapat taglayin ng isang batang nagpapakilala ng kanyang sarili. Alin ang hindi nararapat gawin?
Magsalita nang malinaw at wasto.
Gumamit ng magagalang na pananalita.
Magsalita nang walang pag-aalinlangan.
Iwasang gamitin ang wastong uri ng pangngalan.
9. Alin ang hindi napabilang sa wastong gamit ng pangngalang pantangi?
Ito ay isang uri ng pangngalan
Nagsisimula ito sa malaking titik.
Ito ay tumutukoy din sa ngalan ng hayop.
Tumutukoy ito sa tanging ngalan ng tao lamang.
10. Alin ang hindi napabilang sa wastong gamit ng
pangngalang pambalana?
Ginagamit ito sa pangungusap.
Nagsisimula ito sa malaking titik.
Ito ay isang uri ng pangngalan.
Tumutukoy ito sa karaniwang ngalan ng tao lamang.
