wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAKABAYAN (PART2)

Total questions: 85

Worksheet time: 43mins

Name
Class
Date
1.

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.

a)

Dr. Jose Rizal

b)

Andres Bonifacio

2.

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

a)

Andres Bonifacio

b)

Dr. Jose Rizal

3.

Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.

a)

Heneral Antonio Luna

b)

Andres Bonifacio

4.

Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

a)

Apolinario Mabini

b)

Dr. Jose Rizal

5.

Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901).

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Heneral Antonio Luna

6.

Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.

a)

Emilio Jacinto

b)

Emilio Aguinaldo

7.

Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.

a)

Gabriela Silang

b)

GOMBURZA

8.

Isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Kilala siya sa kanyang matagumpay na pag-atake sa mga kuwartel ng Espanyol sa Paombong, sa Labanan ng Quingua at sa kanyang huling paglaban sa Labanan ng Tirad Pass sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.

a)

Gregorio Del Pilar

b)

Juan Luna

9.

Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

a)

Juan Luna

b)

Lapu-Lapu

10.

Itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Isa siya sa unang lumaban sa pananakop ng Espanya dahilan upang napatay niya si Ferdinand Magellan.

a)

Lapu-lapu

b)

Ferdinand Magellan

11.

Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol.

a)

Marcelo H. Del Pilar

b)

Melchora Aquino

12.

Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.

a)

Melchora Aquino

b)

Mariano Ponce

13.

Tukuyin kung tama o mali ang sinasabi ng mga sumusunod na pangungusap.


Tamad ang mga Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Tukuyin kung tama o mali ang sinasabi ng mga sumusunod na pangungusap.


Dapat nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Tukuyin kung tama o mali ang sinasabi ng mga sumusunod na pangungusap.


Ang pagtulong sa kapwa ay magandang katangiang dapat tularan.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Tukuyin kung tama o mali ang sinasabi ng mga sumusunod na pangungusap.


Ang pagmamano sa matatanda ay likas na kaugalian ng Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Tukuyin kung tama o mali ang sinasabi ng mga sumusunod na pangungusap.


Ang pagmamano ay tanda ng hindi paggalang.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Tukuyin kung tama o mali ang sinasabi ng mga sumusunod na pangungusap.


Hindi tumatanggap ng bisita ang mga Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Patuloy sa paggawa hanggang matapos ang ginagawa.

a)

masipag at matiyaga

b)

matapang

20.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Naliligo bago pumasok sa iskwela.

a)

magalang

b)

malinis

21.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Nagmamano sa mga matatanda.

a)

magalang

b)

matapat

22.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

a)

matapat

b)

matapang

23.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Nag-iimpok sa bangko.

a)

matipid at masinop

b)

masipag at matiyaga

24.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Inaayos ang ga tinutulugang kama at kwarto.

a)

masipag at matiyaga

b)

matipid at masinop

25.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Ginagawa ang mga takdang aralin bago manonood ng telebisyon.

a)

magalang

b)

masipag at matiyaga

26.

Tukuyin kung anong kaugalian ang tinutukoy ng pangungusap.


Sumasagot ng may "po" at "opo" sa nakatatanda.

a)

magalang

b)

matapat

27.

Piliin ang gawaing nakatala na kailangan ang pagtutulungan ng mga tao.

a)

Paglilinis ng kapaligiran.

b)

Matulog ng maaga.

28.

Piliin ang gawaing nakatala na kailangan ang pagtutulungan ng mga tao.

a)

Pagpupunas ng mga silya.

b)

Paglalaro

29.

Piliin ang gawaing nakatala na kailangan ang pagtutulungan ng mga tao.

a)

Paghahanda ng paligid para sa pista.

b)

Pagtatapon ng basura sa ilog.

30.

Piliin ang gawaing nakatala na kailangan ang pagtutulungan ng mga tao.

a)

Pagtatanim ng mga puno at halaman sa barangay.

b)

Manood ng telebisyon.

31.

Tukuyin kung tama o mali ang nakasaad na pahayag.


Paliwanagan ang kamag-aral tungkol sa di-naunawaang leksyon sa Science kaysa magkopya.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Tukuyin kung tama o mali ang nakasaad na pahayag.


Pagtawanan ang mga taong naglilinis ng mga kanal.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Tukuyin kung tama o mali ang nakasaad na pahayag.


Magdala ng mga pagkain at damit sa mga nasalanta ng lindol.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Tukuyin kung tama o mali ang nakasaad na pahayag.


Magtapon ng mga basura sa kalye at daan.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Tukuyin kung ano ang iyong dapat gawin.


Dumating ang iyong nanay at marami siyang dalang gulay at prutas. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hayaan siya dahil kaya niya naman ito.

b)

Tulungan si nanay.

36.

Tukuyin kung ano ang iyong dapat gawin.


Tumakbo ang iyong kamag-aral sa pasilyo ng paaralan. Nadapa ang iyong kamag-aral. Anong dapat mong gawin?

a)

Umiyak para sa kanya.

b)

Tulungan siya.

37.

Tukuyin kung alin sa sumusunnod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

Igalang ang ating watawat.

b)

Tumawid sa mga ipinagbabawal na lugar.

38.

Tukuyin kung alin sa sumusunnod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

Tumulong sa mga tao.

b)

Magtapon ng basura kahit saan.

39.

Tukuyin kung alin sa sumusunnod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

Ipagmalaki ang mga produktong gawa sa Pilipinas.

b)

Pabayaan ang ating bansa kung sinasakop tayo ng mga kaaway.

40.

Tukuyin kung alin sa sumusunnod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.

b)

Ikahiya mo ang kulay Pilipino.

41.

Tukuyin kung alin sa sumusunnod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

Pabayaang maubos ang mga likas na yaman sa bansa.

b)

Sundin ang mga ipinag-uutos ng ating pamahalaan.

42.

Ano ang pangalan ng ating bansa?

4 lines
43.

Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Pilipinas?

4 lines
44.

Piliin sa ibaba ang nagpapatunay ng pagiging mamayang Pilipino.

a)

Ipinanganak sa Sulu.

b)

Ipinanganak sa Amerika.

45.

Piliin sa ibaba ang nagpapatunay ng pagiging mamayang Pilipino.

a)

Pilipino ang kanyan mga magulang.

b)

Kapwa Hapon ang mga magulang.

46.

Piliin sa ibaba ang nagpapatunay ng pagiging mamayang Pilipino.

a)

Sa Maynila isinilang.

b)

Sa Canada isinilang.

47.

Piliin sa ibaba ang nagpapatunay ng pagiging mamayang Pilipino.

a)

Ipinanganak sa Canada ngunit humingi ng pagsamamamayan.

b)

Muslim ang kanyang ama at ipinanganak sa Malaysia.

48.

Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag sa ibaba.


Dapat tumulong ang mga anak sa mga magulang sa mga gawaing bahay

a)

tama

b)

mali

49.

Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag sa ibaba.


Hindi mahalaga ang pag-aaral kaya dapat lang itong ipagsa walang bahala.

a)

tama

b)

mali

50.

Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag sa ibaba.


Ang pagdarasal ay isang magandang katangian na dapat ay tularan o gawin ng isang bata.

a)

tama

b)

mali

51.

Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag sa ibaba.


Sa palagay mo tungkulin ba ng iyong mga magulang na bigyan ka ng maayos at magandang kinabukasan?

a)

tama

b)

mali

52.

Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag sa ibaba.


Ang kabutihang asal ba ay dapat ginagawa lang sa loob ng simbahan.

a)

tama

b)

mali

53.

Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag sa ibaba.


Tungkulin ng pamahalaan ang pangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan.

a)

tama

b)

mali

54.

Tukuyin ang samahang inilalarawan.


Nagtuturo ng mga kaalaman at kasanayan.

a)

Paaralan

b)

Pamilihan

55.

Tukuyin ang samahang inilalarawan.


Nagpapalaganap ng salita ng Diyos.

a)

Mag-anak

b)

Simbahan

56.

Tukuyin ang samahang inilalarawan.


Nagpapatupad ng batas.

a)

Pamahalaan

b)

Mag-anak

57.

Tukuyin ang samahang inilalarawan.


Pinakamaliit na yunit ng samahan.

a)

Mag-anak

b)

Paaralan

58.

Tukuyin ang samahang inilalarawan.


Binubuo ng mga tindahan at mga mamimili.

a)

Pamilihan

b)

Simbahan

59.

Tukuyin kung tama o mali ang pahayag sa ibaba.


Ang guro ang aking pangalawang magulang sa paaralan.

a)

tama

b)

mali

60.

Tukuyin kung tama o mali ang pahayag sa ibaba.


Ang mga magulang ay dapat nating igalang at mahalin.

a)

tama

b)

mali

61.

Tukuyin ang katumbas na tungkulin ng karapatang ibinabahagi sa ibaba.


Karapatang makapag-aral

a)

Tungkulin mag-aral ng mabuti

b)

Tungkulin tumulong sa gawaing bahay

62.

Tukuyin ang katumbas na tungkulin ng karapatang ibinabahagi sa ibaba.


Karapatang mahalin ng magulang

a)

Tungkuling igalang at mahalin ang mga magulang

b)

Tungkuling matulog maghapon at maglaro

63.

Tukuyin ang katumbas na tungkulin ng karapatang ibinabahagi sa ibaba.


Karapatang magkaroon ng pangalan

a)

Tungkulin gumawa nang mabuti upang makilala bilang mahusay na bata

b)

Tungkulin gumawa ng mga aralin at mag-aral

64.

Tukuyin ang katumbas na tungkulin ng karapatang ibinabahagi sa ibaba.


Karapatang makapag-aral

a)

Tungkuling gumawa ng mga aralin at mag-aral

b)

Tungkuling makipagkaibigan

65.

Tukuyin ang katumbas na tungkulin ng karapatang ibinabahagi sa ibaba.


Karapatang tumira sa sariling pamilya

a)

Tungkuling tumulong sa mga magulang

b)

Tungkuling mamalengke

66.

Siya ang pinuno ng bansa.

a)

Pangulo o Presidente

b)

Punong Barangay

67.

Pinuno ng pamahalaang panlalawigan

a)

Gobernador

b)

Alkalde o Mayor

68.

Pinuno ng barangay

a)

Kapitan o Punong Barangay

b)

Presidente

69.

Pinuno ng pamahalaang pambayan

a)

Alkalde o Mayor

b)

Gobernador

70.

Ito ay kagawaran na pinamamahalaan ang sistema ng edukasyon ng bansa.

a)

Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isport

b)

Kagawaran ng Kalusugan

71.

Ito ay kagawaran na nangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan.

a)

Kagawaran ng Agrikultura

b)

Kagawaran ng Kalusugan

72.

Ito ay kagawaran na pinamamahalaan ang pag-aani ng pagkain at ang industrying pansakahan.

a)

Kagarawan ng Agrikultura

b)

Kagawaran ng Turismo

73.

Ito ay kagawaran na pinamamahalaan ang pangangalaga ng kapaligiran at wastong paggamit ng likas na yaman ng bansa.

a)

Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon

b)

Kagwaran ng Kapaligiran at Likas Yaman

74.

Ito ay kagawaran na nangangasiwa sa pagkakaroon ng epektibong sistema ng transportasyon at pakikipagtalastasan.

a)

Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon

b)

Kagawaran ng Katarungan

75.

Ito ay kagawaran na tinitiyak na ang katarungan ay mapalaganap sa lahat ng sektor ng lipunan.

a)

Kagawaran ng Katarungan

b)

Kagawaran ng Turismo

76.

Ito ay kagawaran na pinapaunlad ang industriya ng turismo sa bansa.

a)

Kagawaran ng Turismo

b)

Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohiya

77.

Ito ay kagawaran na nangangasiwa sa mga pananaliksik at imbensiyon ng mga siyentipiko at sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya sa bansa.

a)

Kagawaran ng Siyensa at Teknolohiya

b)

Kagwaran ng Katarungan

78.

Binibigyan nito ang mga tao ng pantay-pantay na karapatan.

a)

Pamahalaang Demokrasya

b)

Kagawaran ng Katarungan

79.

Tukuyin kung ano ang iyong gagawin.


Naghihintay ka ng sasakyan nang madapa ang bata sa harapan.

a)

Tutulungan ko ang bata

b)

Hindi ko papansinin ang bata

80.

Tukuyin kung ano ang iyong gagawin.


May nag-aaway na magkaibigan.

a)

Hahayaan ko silang mag-away

b)

Pagbabatiin ko silang dalawa

81.

Tukuyin kung ano ang iyong gagawin.


May nagwalis na bata ngunit sa kanal niya itinapon ang basura.

a)

Hahayaan ko isyang magtapon ng basura sa kanal

b)

Magbibigay ako ng supot sa kanya upang doon niya ilagay ang basura.

82.

Maligo araw-araw.

a)

Tungkulin sa sarili

b)

Tungkulin sa tahanan

83.

Umuwi sa tamang oras

a)

Tungkulin sa kapwa

b)

Tungkulin sa tahanan

84.

Sundin ang mga babala sa kalsada.

a)

Tungkulin sa pamayanan

b)

Tungkulin sa paaralan

85.

Tumulong sa mga gawaing bahay

a)

Tungkulin sa tahanan

b)

Tungkuling sa kapwa