NEW
Font size
WorksheetsKasaysayan ng Asya
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ay pag-aaral sa iba’t ibang kalupaan at katubigan, kinaroroonan, sukat, at lawak , klima at likas na yaman ng isang lugar, bansa o kontinente.
A. Kasaysayan
B. Heograpiya
C. Sosyolohiya
D. Heolohiya
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya? Dahil ang Asya ay _________________
A. pinagmulan ng kabihasnan na siyang naging bahagi ng kabihasnan ng mundo
B. batayan ng pamumuhay ng mga tao sa kontinente
C. binubuo ng mga makasaysayang tao, lugar, at pangyayari
D. naging kanlungan ng sinaunang tao sa mundo
3. Ano ang katotohanan sa pagkakabuo ng Asya bilang isang rehiyon?
A. Ang Asya ay iisa.
B. Napakarami at iba-iba ang wika, relihiyon, at etnisidad sa buong Asya.
C. Walang isang partikular na katangiang-pisikal ang maaaring maging pagkakilanlan at tagapag-isa ng Asya bilang isang rehiyon.
D. Bunga ng pagtingin ng mga Griyego na dapat na nakahiwalay sila sa mga karatig-pook.
_____4. Ito ay isang malikhaing paglalarawan sa mga katangian ng isang lugar at pinakatumpak na paraan ng pagpapakita ng lokasyon ng mga lugar sa mundo.
A. Atlas
B. Almanac
C. Globo
D. Mapa
____ 5. Ang linyang tumatakbo paikot ng globo mula hilaga hanggang timog at nagbibigay ng direksyong pakanluran at pasilangan mula sa prime meridian.
A. guhit longhitud
B. guhit latitud
C. ekwador
D. International Date Line
_____ 6. “Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.” Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa pangungusap na ito?
A. Matatagpuan sa Asya ang lahat ng uri ng anyong-lupa at tubig ng daigdig.
B. Ang Asya ay binubuo ng 1/3 ng kabuuang kalupaan sa mundo.
C. Nasa Asya ang pinakamataas na bundok at ang pinakamababang lugar sa mundo.
D. Maraming bansa ang matatagpuan sa Asya.
7. Alin ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba't ibang uri ng anyong lupa.
C. Ang Asya ay may taglay na napakaraming uri ng behetasyon.
D. Ang iba't ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima
____ 8. Ang rehiyon sa Asya na may pinakamaraming bilang ng mga bansa.
A. Kanlurang Asya
B. Timog Asya
C. Timog-Silangang Asya
D. Hilagang Asya
_____9. Ito ang ang hangganan ng Asya sa kanluran.
A. Bulubunduking Ural
B. Dagat Aegean
C. Dagat Caspian
D. Pacific Ocean
_____ 10. Bakit higit na malamig ang mga rehiyong nasa gitnang latitud kumpara sa ibang pang rehiyon? Ang mga rehiyong nasa gitnang latitud ay ___________.
A. nakalatag sa nagtataasang mga bundok
B. malapit na sa polar
C. hindi direktang nasisinagan ng araw
D. hindi nasisinagan ng araw
Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
Arkipelago
Kontinente
Peninsula
Rehiyon
12. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagiging bunga ng iba’t ibang klima at topograpiya?
A. pagkakaroon ng iba’t ibang wika at kultura
B. paglitaw ng mga kakaibang hayop
C. kahirapan sa mga naninirahan
D. pananatili sa iisang lugar
13. Ilang bansa ang matatagpuan mismo sa kontinenteng Asya?
A. 50
B. 48
C. 47
D. 45
14. Ano ang pinakabagong idineklarang bansa sa Timog-Silagang Asya?
A. Laos
B. Timor-Leste
C. Brunei Darussalam
D. Myanmar
____ 15. Ang salitang Asya ay hango sa salitang Semitic na
“asu” na nangangahulugang ________.
A. perlas ng silanganan
B. paglubog ng araw
C. pagsikat ng araw o silangan
D. gitnang silangan
