wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quarter 1-Week 1 Formative Assessment

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na lumaganap bago pa dumating ang mga Espanyol.

a)

Kuwentong-Bayan

b)

Karunungang-Bayan

c)

Pamahiin

d)

Kultura at Tradisyon

2.

Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Palaisipan

d)

Bulong

3.

Ito ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Tinatawag din itong idyoma o eupemistikong pahayag.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Bugtong

d)

Palaisipan

4.

Ito ay naiiba kaysa Salawikain sa dahilang ito'y hindi gumagamit ng talinhaga, payak ang mga salita at madaling maintindihan. Sa Ingles, ito ay tinatawag na "Sayings/Quotes".

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

d)

Palaisipan

5.

Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.

a)

Bulong

b)

Sawikain

c)

Palaisipan

d)

Bugtong

6.

Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.

a)

Sawikain

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Bulong

7.

Ito ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto at masasamang espiritu.

a)

Bugtong

b)

Palaisipan

c)

Bulong

d)

Sawikain

8.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. Ito ay isang halimbawa ng _________________________.

a)

Kasabihan

b)

Salawikain

c)

Sawikain

d)

Palaisipan

9.

Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan. Ito ay isang halimbawa ng ________________________.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

d)

Palaisipan

10.

Inaayawan siya ng kanyang mga kalaro sapagkat makati ang kanyang mga kamay. Ang nakasalungguhit na parirala ay isang halimbawa ng _______________________.

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Sawikain

11.

Marami ang nagtataka kung paanong nakapasok ang aso sa simbahan. Paano nga ba?

a)

May nagpapasok sa aso.

b)

May pagkain sa loob na naaamoy ng aso.

c)

May bumuhat sa aso papasok.

d)

Bukas ang pinto ng simbahan.

12.

Nuno sa punso, tabi, tabi po. Ito ay isang halimbawa ng ____________________.

a)

Bugtong

b)

Palaisipan

c)

Bulong

d)

Sawikain

13.

#HulaanMo: Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.

a)

Sangkalan

b)

Hagdan

c)

Sampayan

d)

Hapag-kainan

14.

#HulaanMo: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

a)

Gunting

b)

Palakol

c)

Electric Fan

d)

Zipper

15.

#HulaanMo: Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

a)

Basket

b)

Palanggana

c)

Supot

d)

Tabo