wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

moral Science

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa elemento ng kabutihang panlahat maliban sa _.

a)

kapayapaan

b)

kasaganaan

c)

paggalang sa indibidwal na tao

d)

tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

2.

Alin sa mga sumusunod ang tunay na layunin ng lipunan?

a)

kapayapaan

b)

kasaganaan

c)

katiwasayan

d)

kabutihang panlahat

3.

Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil ang tao ay lipunan lamang na nakikipamuhay.

b)

Tama, dahil sa pakikipagkapwa natatamo ang kaganapan ng pagkatao ng tao

c)

Mali, dahil may pagkakataon na ang tao ay nagnanais na mapag-isa

d)

Mali, dahil may kanya-kanyang aspekto pagiging panlipunan.

4.

Ano ang kahulugan ng kabutihang panlahat?

a)

kabutihan ng indibidwal o sarili

b)

kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

c)

kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

d)

kabutihan ng lipunan na ibinabahagi at nararapat bumalik at pinakikinabangan ng lahat

5.

Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil sa pagkakataon na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan

b)

Tama, dahil dahil dapat na makiayon ang bawat indibiwal sa layunin ng lipunan

c)

Mali, dahil may personal na katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal na di ayon sa layunin ng lipunan.

d)

Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.

6.

Tumutukoy sa isang malaking pangkat ng mga tao na bibigyan ng katangian o huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na ibinabahagi, nagkakaisa at nagtutulungan para sa kabutihang panlahat.

a)

komunidad

b)

indibidwal

c)

lipunan

d)

kapwa

7.

Tumutukoy sa grupo ng mga tao sa partikular na lugar na may magkakapareho ng interes, tunguhin o layunin katulad ng mga guro at mag-aaral sa paaralan, mga

doktor at nars sa hospital.

a)

komunidad

b)

indibidwal

c)

lipunan

d)

kapwa

8.

Ang pundasyon ng panlipunang pamumuhay na tumutukoy sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan, karapatan, pangkaligtasan at seguridad atbp. Ang tawag sa panlipunang tungkulin na ginagampanan ng pantay-pantay para sa kapakanan ng lahat.

a)

kabayanihan

b)

kapayapaan

c)

kasaganaan

d)

katarungan

9.

Ito ay ang pagtugon sa pangangailangan na makipag – ugnayan sa iba, pakiramdamna kailangan ng tao ng makakasama, at mapabilang sa isang pangkat ito din

ay ang pagtrato sa kapwa ng may paggalang at dignidad.

a)

pakikipagkapwa

b)

pagkakaisa

c)

pagtutulungan

d)

pagkamakatao

10.

Tumutukoy sa pagkilala, pagpapahalaga at pagbibigay respeto sa sarili at kapwa.

a)

integridad

b)

dignidad

c)

popularidad

d)

maabilidad