NEW
Font size
WorksheetsEPP 5 - Industrial Arts
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Si Mang Ambo ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa barangay Bayanan. Sa anong gawaing pang-industriya nabibilang ang kanyang propesyon?
Gawaing - elektrisidad
Gawaing - kahoy
Gawaing - metal
Gawaing - kawayan
Saan ginagamit na industriya ang balat ng hayop na tinatawag din na katad?
Pagawaan ng sapatos
Pagawaan ng bisikleta
Pagawaan ng paso
Pagawaan ng furniture
Saan nabibilang na gawaing pang-industriya ang mga sumusunod na materyales tulad ng narra, molave, yakal, mahogany, kamagong at acacia?
Gawaing-kawayan
Gawaing-metal
Gawaing-elektrisidad
Gawaing-kahoy
Anong uri ng halaman ang tumutubo mula 250-650 m. na may kakayahang gumapang sa puno na ginagamit sa paggawa ng upuan, duyan, higaan, kabinet at malaking buslo?
Kawayan
Rattan
Kahoy
Niyog
Si Jessie ay mahilig sa pagkukumpuni ng mga sirang appliances at pagkukumpuni ng mga sirang wiring system. Saang gawain nabibilang ang kanyang kasanayan?
Gawaing-kahoy
Gawaing-metal
Gawaing-kawayan
Gawaing-elektrisidad
Gumagawa ng pigurin sina Alyana at Dalisay mula sa inihanda nilang luwad. Saang gawain nabibilang ang paggawa ng pigurin?
Gawaing-metal
Gawaing-seramiko
Gawaing-kahoy
Gawaing-kawayan
Si Hagord ay magaling na latero. Ano ang pangunahing materyales ang ginagamit niya?
Metal
Kahoy
Kawayan
Rattan
Si Alena ay kilala sa pagiging magaling na gumagawa ng lampshade gamit ang kapis. Sa anong gawain kabilang ang kanyang kasanayan?
Gawaing-katad
Gawaing-yantok
Gawaing-kabibe
Gawaing-niyog
Lahat ng bahagi ng materyal na ito ay napakikinabangan, tinatawag din itong "Tree of Life".
Kawayan
Abaka
Niyog
Kabibe
Ang _______ ng niyog ay ginagamit sa paggawa ng sandok, tasa, alkansiya, butones, palamuti at iba pa.
Bunot
Bao
Dahon
Tingting
