NEW
Font size
WorksheetsUNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang mga sumusunod ay bahagi ng element ng kabutihang panlahat maliban sa
Ang paggalang sa indibidwal na tao.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
Ang kapayapaan
Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao kaniyang personal na naiisin.
Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin ng mga kasapi
Sa lipunan, ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang layunin o tunguhin samantalang ang kumunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugalil o pagpapahalagang bahagi ng isang particular na lugar.
Saan inihahambing ang isang pamayanan?
Pamilya
Organisasyon
Barkadahan
Magkasintahan
Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na
Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
Sabay
Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan
Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
Mga Batas
Mamamayan
Kabataan
Pinuno
Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay
Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
Angking talino at kakayahan
Pagkapanalo sa halalan
Kakayahang gumawa ng batas
Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niyang pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
Malala Yuosafzai
Martin Luther King
Ninoy Aquino
Nelson Madela
Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampulitika ay ang
mamamayan
pangulo
pangulo at mamamayan
halal ng bayan
Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito
Lipunang Pulitikal
Pamayanan
Komunidad
Pamilya
Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa
pagsasapribado ng mga gasolinahan
pagsisingil ng buwis
pagbibigay daan sa Public Bidding
pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay
Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa
sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
pagkakaroon ng kaalitan
bayanihan at kapit-bahayan
pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
Ang paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay” ay nakaugat sa katotohan na
lahat ay dapat mayroong pag-aari
lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
lahat ay iisa ang mithiin
likha ang lahat ng Diyos
Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
Lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa
Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
Pagbahagi ng di pantay na yaman ng bayan dahil ito ay nararapat.
Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa kanyang pangangailangan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan lipunan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa , patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon
Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang
pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng
kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
