WorksheetsIKALIMANG BAITANG: BALIK-ARAL: MGA BAHAGI NG PANANALITA
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Pandiwa
Panghalip
Pangngalan
Pang-uri
Ang "ako, ikaw, tayo, at sila" ay mga salitang humahalili o pumapalit sa pangngalan. Anong bahagi ng pananalita ito?
Pandiwa
Pangatnig
Panghalip
Pang-uri
Ito ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Pandiwa
Panghalip
Pangatnig
Pang-ukol
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng PANG-ANGKOP maliban sa:
at
g
na
ng
Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.
Pang-angkop
Pandiwa
Pang-ukol
Pang-uri
Ito ay mga katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari.
Pang-abay
Panghalip
Pang-uri
Pantukoy
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng PANG-UKOL maliban sa:
ayon sa
hinggil kay
mga
sa
Nagluto si Kriselda ng masarap na ulam para sa mga frontliners. Anong bahagi ng pananalita ang salitang nakasalungguhit?
Pandiwa
Pang-abay
Pang-angkop
Pangngalan
Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Pang-angkop
Pang-abay
Pang-ukol
Pang-uri
Ang sumusunod ay mga uri ng PANG-UGNAY maliban sa
Pang-angkop
Pangatnig
Pangawing
Pang-ukol
