NEW
Font size
WorksheetsBALIK-ARAL: Bahagi ng Pananalita
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ang bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan. Tinatawag din itong paksa.
simuno
panaguri
Ito ay bahagi ng pananalita na pumapalit o humahalili sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
panlapi
panghalip
pangngalan
Ito ay mga simbolong inilalagay sa dulo ng pangungusap. Ito rin ang gabay upang malaman ang nais ipakahulugan ng pangungusap.
panlapi
bantas
panghalip
Ito bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
pang-uri
pang-abay
pandiwa
Ito ay bahagi ng pananalitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at pang-abay.
pang-abay
pangngalan
pangungusap
Ito ay bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa simuno.
panaguri
pang-uri
pang-abay
Ito ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
pandiwa
pangngalan
panaguri
Ito ay mga katagang maaaring ilagay sa unahan, gitna, o hulihang bahagi ng salita upang makabuo ng isa pang salita.
panaguri
panghalip
panlapi
Ito ay bahagi ng pananalitang naglalarawan sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
pang-uri
pang-abay
pandiwa
Ito ay salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa.
pangngalan
pangungusap
pang-abay
