Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aspekto ng Pandiwa

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

_____________ ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka noong nakaraang buwan.

a)

Nagbigay

b)

Nagbibigay

c)

Magbibigay

d)

Binigyan

2.

Palaging _____________ ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim.

a)

hinihikayat

b)

hinikayat

c)

hihikayatin

d)

manghihikayat

3.

___________ ang mga palayan dahil sa nagdaang mataas na pagbaha.

a)

Lulubog

b)

Lumulubog

c)

Lumubog

d)

Ilubog

4.

___________ ang mga tao ng magandang panahon sa susunod na araw. Nanalangin sila na bumuti na ang lagay ng panahon.

a)

Umasa

b)

Aasa

c)

Umaasa

d)

Aasahan

5.

Bukas ay ____________ ng pag-aalay para sa intensyong ito.

a)

nagdaos

b)

magdaraos

c)

nagdadaos

d)

idinaos

6.

Alin ang pandiwang nasa aspektong perpektibo?

a)

naghakot

b)

sinasabihan

c)

babatiin

d)

iniisip

7.

Alin ang tumutukoy sa aspektong tapos nang gawin?

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Pawatas

8.

Alin ang pandiwang nasa aspektong imperpektibo?

a)

sinulatan

b)

binabayaran

c)

aayusin

d)

pinaunlad

9.

Ano ang angkop na pandiwa para sa pangungusap?

“__________________ mo ang mga gamit mo bago ka umalis”, bilin ng ina sa kanyang anak.

a)

umayos

b)

ayusin

c)

inayos

d)

nag-ayos

10.

Ano ang aspektong kinabibilangan ng pandiwang ginamit sa pangungusap?

Ang mga guro ay nagpupulong para sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Pawatas