wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Pangngalan ayon sa Katangian

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ako ay nakatira sa bansang _________________.

a)

Pilipinas

b)

pilipinas

c)

Butuan

d)

butuan

2.

Ngayong Pasko, kami ay magbabakasyon sa ibang bansa. Ang nakasalungguhit na salita ay isang pangngalang...

a)

pambalana ng isang pagdiriwang

b)

pantangi ng isang pagdiriwang

c)

pambalana ng isang lugar

d)

pantangi ng isang lugar

3.

Mahal na mahal ako ng aking mga ______________ kaya ibinibigay nila sa akin lahat ng aking mga pangangailangan. Anong pangngalang pambalana ang kukumpleto sa pangungusap?

a)

alagang hayop

b)

kaklase

c)

kaibigan

d)

magulang

4.

Halos paubos na ang maraming ibon sa ating bansa gaya ng _________________.

Anong pangngalang pantangi ang kukumpleto sa pangungusap?

a)

German shepherd

b)

Philippine tarsier

c)

Philippine eagle

d)

Persian cat

5.

Ako ay nag-aaral sa ________________.

Anong pangngalang pantangi ang kukumpleto sa pangungusap?

a)

J.P. Rizal St. Butuan City

b)

Robinsons Department Store

c)

Manuel J. Santos Hospital

d)

Rainbow of Angels Learning Center Inc.

6.

Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong pangkat ng mga pulo, ang Luzon, Visayas at ______________.

Anong pangngalang pantangi ang kukumpleto sa pangungusap?

a)

Maguindanao

b)

maguindanao

c)

Mindanao

d)

mindanao

7.

Ang pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari ay ang pangngalang (a)   .

8.

Ang uri ng pangngalang tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari ay ang pangngalang (a)   .

9.

Alin sa mga pangungusap ang may tamang gamit ng pangngalan?

a)

Si Andres Bonifacio ang ating pambansang bayani.

b)

Kapag ikaw ay nagkasakit, magpatingin ka agad sa iyong guro.

c)

Maaari tayong magbasa ng mga libro sa silid-aklatan.

d)

Ginagamit natin ang kutsara sa pagsisipilyo.

10.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang may maling gamit ng pangngalan?

a)

Ang mga manlalaro ng basketbol ay naghahanda na para sa laro mamaya.

b)

Si Josefa Llanes Escoda ay kilalang patnugot ng Girl Scouts of the Philippines.

c)

Ang ating bansa ay miyembro ng ASEAN.

d)

Ginagamit ko ngayon ang aking itim na sapatos sa pagsusulat ng liham.