wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Karunungang Bayan (Salawikain at Bugtong)

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Alin-alin sa mga sumusunod ang katangian ng Salawikain? (Higit sa isa ang tamang sagot.)

a)

nagbibigay ng pangaral/ payo

b)

literal ang pagpapahayag at pagkuha ng kaisipan

c)

may tugmaan at sukat ang karamihan

d)

nagpapahula sa pamamagitan ng paglalarawan

2.

Hulaan mo!

Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay.

a)

ilaw

b)

kandila

c)

pusa

d)

multo

3.

Hulaan Mo!

Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako.

a)

langka

b)

pusa

c)

bayabas

d)

rambutan

4.

Hulaan mo!

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat!

a)

matanda

b)

sugat

c)

ampalaya

d)

atis

5.

Hulaan Mo!

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

a)

kumot

b)

banig

c)

papel

d)

suso

6.

Hulaan mo!

Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan.

a)

aso

b)

paa

c)

sumbrero

d)

anino

7.

Ano ang pinapahiwatig na kaisipan ng salawikaing ito?

Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin ay nasa ilalim.

a)

Ang buhay ay katulad ng gulong na patalbog-talbog kung saan-saan.

b)

Pabago-bago ang takbo ng buhay, may masaya at malungkot kang mararanasan.

c)

Umiikot lang ang buhay ng tao, walang katapusan.

8.

Ano ang ibig sabihin ng salawikaing ito?

Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin?

a)

Magtanim ka ng gulay at ang aanihin mo ay gulay din.

b)

Kung ano man ang iyong ginawa, masama man o mabuti ay babalik at babalik ito sa'iyo.

c)

Ang tao na kulang sa pagsisikap ay aasa na lang sa iba.

d)

Maghintay lang ng biyaya, dinidinig ng Panginoon ang panalangin.

9.

Ano ang ibig sabihin ng salawikaing ito?

Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

a)

Ang katotohanan ay mananatiling buhay sa kahit anong panahon.

b)

Maikukubli ng paglipas ng panahon ang katotohanan.

c)

Lilitaw at litaw ang katotohanan kahit na ito ay itago.

d)

Ang magaling magtago ng sektro ay hindi mahuhuli.

10.

Ang (a)   ay uri ng karunungang bayan na sumusubok sa talas ng isipan sa paghuhula.