NEW
Font size
WorksheetsWastong Gamit ng Pangngalan at Panghalip
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ito ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari?
pangalan
pangngalan
panghalip
pandiwa
Ano ang panghalip?
salitang naglalarawan
panghalili sa pangngalan
paksang nagsasaad ng kilos
bahagi ng pananalita ng isang katawagan
Ang mga sumusunod ay pangngalan maliban sa____________________
panaginip
kuwaderno
Siya
paaralan
Naku! ang bata ay nadapa. Bakit kaya _____ nadapa?
ako
sila
siya
ikaw
Palitan ang pangngalan ng angkop na panghalip
(Si Nanay at ako))_______ay pupunta sa palengke
kami
sila
siya
tayo
Ang mga sumusunod ay pangngalang pambalana maliban sa _________________
lapis
munisipyo
baboy
Althea
Ang mga bata ay tuwang-tuwa nang dumalaw ang kanilang guro sa bahay nila. Alin ang panghalip sa pangungusap.
bata
tuwang-tuwa
guro
nila
Ang mga magulang ay patuloy na sumusuporta sa paaralan. Alin ang pangngalang ginamit sa pangungusap.
magulang
paaralan
patuloy
magulang at paaralan
Pupunta na sa laybrari ang mga bata. Samahan ninyo _______. Anong wastong panghalip sa pangungusap.
tayo
kami
sila
siya
Palitan ng angkop na panghalip. Ipinamana sa (akin at mga kapatid ko) __________ ni nanay at tatay ang magandang edukasyon
akin
tayo
amin
kanila
