Font size
WorksheetsAralin 5: Akala mo lang wala, pero meron kang magagawa
Total questions: 22
Worksheet time: 41mins
Piliin ang kasalungat (opposite):
Mahirap talaga maging dukha. Hindi mo mabili kahit ang mga kailangan mo.
mayaman
maganda
mahirap
matangkad
Piliin ang kasalungat (opposite):
Sama-sama tayong gumawa para matapos na ang ating proyekto.
dikit-dikit
hiwa-hiwalay
magtulungan
magkaagapay
Piliin ang kasalungat (opposite):
Dapat na nating itigil ang paglalaro dahil maggagabi na.
ihinto
ituloy
paghirapin
pagbutihin
Piliin ang kasalungat (opposite):
Ang aking lola ay 89 taong gulang na. Siya ay isang may-edad na.
matanda
luma
musmos
matagal
Piliin ang kasalungat (opposite):
Malabo ang paningin ko. Kaya kailangan kong magsalamin.
malinaw
mababa
mataas
sira
Piliin ang kasing-kahulugan (synonym):
Sa binasa kong kuwento, mayroon isang higante na ubod ng laki.
bubwit
dambuhala
tao
diwata
Piliin ang kasing-kahulugan (synonym):
Huwag mo itong sabihin ha. Ito ay isang lihim.
balita
blog
sikreto
anunsyo
Piliin ang kasing-kahulugan (synonym):
Kailangan daw nating gumuhit ng tuwid na linya.
pakurbang
diretso
pahilis
pakanan
Piliin ang kasing-kahulugan (synonym):
Siya ay isang pilyong bata. Kung saan-saan siya sumusuot.
mabait
malikot
matapat
madaldal
Piliin ang kasing-kahulugan (synonym):
Ang dalawang magkaklase ay naglabanan dahil sa hindi pagkakaunawaan.
nag-away
nagkabati
naglokohan
nagtampuhan
Mahaba na ang buhok mo. Kailan mo ipapagupit _______?
ito
iyan
iyon
Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang ________.
ito
iyan
iyon
Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili ________?
ito
iyan
iyon
Ang suot kong kuwintas ay galing sa aking ina. ______ ay bigay niya sa akin dahil nagtapos ako.
ito
iyan
iyon
Nasa labas ata si Kyle. Papasukin mo na ______ dahil kakain na.
ito
iyan
iyon
Sino ang batang bida sa kuwentong binasa natin?
Maganda
Masinop
Matapat
Matulungin
Ano naman ang pangalan ng kanilang barangay?
Mapamaraan
Matalino
Malikhain
Matulungin
Sino ang HINDI karakter sa kuwentong binasa?
Tata Lorenzo
Masinop
Mabuti
Maganda
Piliin ang dalawa ginagawa ng barangay sa kuwento na binasa natin.
segregation
pagmimina
pagpupulot
recycle
Ano ang mga ginagawa nila sa mga nakukuha nilang bote? (tatlo)
hollow blocks
taniman
inuminan
upuan
Sa tatlo hanggang limang pangungusap, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pagrerecycle? (Sa wikang Filipino ang sagot)
Sa tatlo hanggang limang pangungusap, ipaliwanag kung bakit mahalaga pa rin ang mga balita sa ngayon.
