NEW
Font size
WorksheetsPre Test Aralin 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo patungo sa isa pang polo?
Meridian
Ekwador
Longhitud
Latitud
Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan?
Atlantic
Indian
Pacific
Mediterranean
Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang pinakamalaking populasyon sa daigdig?
Africa
Amerika
Europe
Asya
Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng timog at hilaga?
Ekwador
Parallel
Longhitud
Meridian
Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat?
Burol
Elebasyon
Relief
Talampas
Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya ng daigdig?
Ang daigdig ay tahanan ng tao
Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa
Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao
Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan
Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig?
Klima at panahon
Porma at elebasyon ng lupa
Lawak at anyo ng katubigan
Lahat ng A, B, at C.
Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan?
Hindi magkatulad
may ugnayan sa isa’t isa
magkatulad
walang kaugnayan sa isa’t isa
Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan?
Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon ng kanyang pagsalakay doon.
Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.
Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl maamig doon.
Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas
Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba’t ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang gampanin bilang residente ng daigdig na ito. Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan?
Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan
Para huwag magalit ang Diyos sa tao
Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito
Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng buhay ng mga taong naninirahan dito.
