wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon Sa Pagpapakatao

Total questions: 10

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at

kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

a)

a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng

buhay

b)

b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga

bagong sitwasyon

c)

c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin

na akma sa kanilang edad

d)

d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang

nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan

2.

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat

malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.

a)

a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad

b)

b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki

c)

c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

d)

d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3.

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang

bilang 3-4 .


Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang

matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay

kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang

tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin

siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae.

Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali:

laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan.

Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang

panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang

panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang

katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na

pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang

napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng

seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan.

Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang

daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata.

Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.


3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?

a)

Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

b)

Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.

c)

Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong

kanilang pinagdaraanan

d)

Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga

at nagbibinata

4.

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng

isang nagdadalaga at nagbibinata?

a)

Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay

nakararamdam ng kalituhan

b)

Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na

naglalaro ng manika at iba pang laruan.

c)

Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang

nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.

d)

Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga

ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.

5.

5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?


 Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.

 Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.

 Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.

 Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

a)

a. tapang

b)

b. talento at kakayahan

c)

c. tiwala sa sarili

d)

d. positibong pagtingin sa sarili

6.

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?

a)

a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan

b)

b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad

c)

c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad

d)

d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

7.

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.

b)

Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.

c)

Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.

d)

Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

8.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?

a)

Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.

b)

Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.

c)

Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.

d)

Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.

9.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam

ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:

a)

a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.

b)

b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.

c)

c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng

sikreto.

d)

d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit

ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

10.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi

niya ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod

sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?

a)

a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi

pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na

umangat dahil sa kanyang kakayahan.

b)

b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na

makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili

c)

c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw

ang kanyang kalakasan.

d)

d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin

niya na siya ay nakaaangat sa lahat.