WorksheetsQuiz Game for Grade 2 - St. Clare
Total questions: 20
Worksheet time: 29mins
Ito ay isang mataas na anyong lupa na may malalaking puno gaya ng narra, lawan, yakal at marami pang iba.
a. Talampas
b. Bundok
c. Burol
Bundok na karaniwang may bunganga sa tuktok kung saan lumalabas ang mainit na putik at bato kapag sumasabog ito.
a. Bulkan
b. Burol
c. Lambak
Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
a. ilog
b. sapa
c. baybayin
Ito ay isang anyo ng lupa na napaliligiran ng tubig.
a. tangway
b. lawa
c. pulo
Ito ay isang anyong tubig na napaliligiran ng lupa.
a. lawa
b. talon
c. look
Ito ay tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar.
a. lawa
b. talon
c. look
Ito ay bahagi ng karagatan at karaniwang nasa bukana ng dagat.
a. look
b. gulpo
c. ilog
Anu-ano ang mga bagay na sa tingin mo ay makakasama sa iyo bilang bata?
pagkain ng junk foods
paglanghap ng polusyon
pagbasa ng aklat
pag-inom ng softdrinks
pagkain ng masusustansiyang pagkain
Sinasabihan ka ng iyong ina na hugasan ang pinggan pagkatapos mong kumain. Ano ang iyong gagawin?
a. huhugasan ko agad.
b. iiwanan ko na hindi nahugasan
c. huhugasan ko kapag ipinaalala uli ni ina.
Ang iyong mga magulang ay hindi uuwi at sinabi nilang pag-aralan mo ang iyong mga aralin at gawin ang mga gawaing-bahay. Gagawin mo ba?
a. Maglalaro muna bago gawin.
b. Gagawin ko agad.
c. Ipagagawa ko sa aking kapatid.
Sinabihan ka ng iyong ama na ilagay sa tamang lugar ang iyong bisikleta. Gagawin mo ba?
a. Ilalagay ko ito sa garahe
b. Gagawin ko ngunit ipagagawa ko sa aking kalaro.
c. Gagawin ko dahil nakabantay ang aking ama.
Iniutos sa iyo ng iyong ina na ayusin ang mga magasin at dyaryo sa lalagyan. Gagawin mo ba?
a. Iuutos ko ito sa aking kapatid.
b. Sasabihin ko sa aking ina na sa kapatid ko na lamang ipagawa.
c. Gagawin ko sa abot ng aking makakaya.
Bilin ni Nanay na linisin ang bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Manonood muna ako ng paboritong programa sa telebisyon
b. Matutulog ako.
c. Gagawin ko agad ang bilin ni Nanay.
Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng disiplina sa sarili.
Malalim na ang gabi kung ako ay matulog.
Hindi ako nandadaya sa pagsusulit.
Itinataas ko ang aking kamay kapag gusto kong sumagot sa guro
Ayaw ko ng gatas.
Nakikinig ako sa aking guro at sa aking magulang.
Tumutukoy sa mga pangngalang may kasariang pambabae.
a. ninang
b. ninong
c. bata
d. anak
Piliin ang naiibang kasarian.
bola
manika
bata
Piliin ang naiibang kasarian.
a. reyna
b. hari
c. prinsesa
Ako ang nanay ng tatay mo. Sino ako?
a. tiya
b. lola
c. tiyo
Ako ang taong nagtatanim ng kinakain mong gulay at prutas.
magsasaka
mangingisda
mangangahoy
Ako ang hayop na katulong sa pag-aararo at sa mga gawaing bukid.
Ibon
Baka
Kambing
Kalabaw
