Font size
WorksheetsFILIPINO 8- Kabanata 1-Gawain 1
Total questions: 15
Worksheet time: 20mins
Pag nagtanim ng hanging, bagyo ang aanihin. (ang salawikaing nabanggit ay maaaring nangangahulugang)
Kapag nagkimkim ka ng galit, maaari kang biglang sumabog at maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan o kaguluhan
Kung mabuti o masama ang ginagawa ng isang tao sa kaniyang kapwa, hindi naman higit pa roon sa ginawa niya ang babalik o karma sa kanya.
Kapag ang tao ay walang ginagawa o kaya naman ay may ginagawa pero hindi tama, magkakaroon siya ng mga problema.
Hindi totoo ang pahayag na ito.
Kasing-kahulugan ng salitang biyaya.
Pagpapala
Kakulanagn
Mayaman
Mahirap
Ano ang kasingkahulugan ng mabilis.
mahina
mabagal
maliksi
malumanay
Tirik ang araw ng umalis si Inang patungong bayan.
katanghalian
kinaumagahan
hapunan
palubog na ang araw
Tuloy na ang pag-iisang-dibdib nina Ben at Alma.
Pangliligaw
Pamamanhikan
Pagpapakasal
Panganganak
Kung ang ama ay haligi ng tahanan, ano naman ang ina?
Bubong ng tahanan
Ilaw ng tahan
Kusina ng tahanan
Haligi ng tahanan
Patulang pahayag ito na sinasabing pinag-ugatan ng panulaang Pilipino. Kadalasang nagtataglay ito ng sukat at tugma. Ito Ang mga butil ng karunungang nagsilbing batas o tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Karaniwang hango ito sa karanasan ng matatanda, patalinghaga, at nangangailangan ng malalim na pagmumuni bago tuluyang maunawaan. Nagpapa-alala ito sa mga nakababata tungkol sa angkop na pagkilos, wastong pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapuwa, at tahimik at masayang pamumuhay.
Salawikain
Bugtong
Karunungang-bayan
Kasabihan
Ito ay nagpapahiwatig ng malalim na kahulugan.
Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang mga kabataan tungo sa kabutihang asal.
Salawikain
Bugtong
Idyoma
Kasabihan
Ito ay tahasan at payak ang pagpapakahulugan. Hindi Ito gumagamit ng mga talinghaga. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin dito. Nagtataglay rin ito ng aral sa buhay. Noong unang panahon ay yaong mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga tinatawag na MOTHER GOOSE RHYMES. Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Salawikain
Bugtong
Idyoma
Kasabihan
Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga. Hindi tiyak Ang kahulugan ibinibigay nito sapagkat may natatago pa itong kahulugan patungkol sa iba't ibang bagay.
Halimbawa:
Bagong tao - Binata
bulang-gugo - Gastador
Salawikain
Bugtong
Idyoma
Kasabihan
Nailalarawan at naipahihiwatig ang mga bagay na pinahuhulaan sa payak ngunit hindi pangkaraniwang paraan
Salawikain
Bugtong
Idyoma
Kasabihan
Sa iyong palagay,
bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang panitikan ng ating lahi?
Paano napapanatili at
mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating ninuno ng kasalukuyang panahon?
Ano ang Karunungang-bayan?
Bilang kabataan, naniniwala ka bang dapat pahalagahan ng mga kabataan sa kasalukuyan ang mga karunungang-bayang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno? Ipaliwanag.
