NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 5 ONLINE QUIZ
Total questions: 25
Worksheet time: 15mins
Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
A. Pang-uri
B. Pang-abay
C. Pangngalan
D. Pantukoy
Mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
A. Pandiwa
B. Pang-uri
C. Pangngalan
D. Pang-abay
Ang mga salitang tandang, pari, tiyuhin, kuya, lolo at ninong ay halimbawa ng kasariang __________.
A. Walang kasarian
B. Pambabae
C. Di-tiyak
D. Panlalaki
Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
A. Dr. Jose Rizal
B. Manuel A. Roxas
C. Manuel Luis Quezon
D. Andres Bonifacio
Nangingimi ang bata sa mga taong nasa paligid niya kaya hindi siya umiimik sa kaniyang kinalalagyan. Ano ang ibig sabihin ng salitang nangingimi?
A. nahihiya
B. natatakot
C. naaawa
D. nalilito
Ang mga bata sa loob ng bahay
Ang grupo ng mga salitang nakasalungguhit ay tinatawag na__________.
A. Pangungusap
B. Parirala
C. Pangngalan
D. Sugnay na makapag-iisa
Hanapin sa mga pagpipilian ang pangungusap.
A. Tumigil sa pagluluto
B. Isang malaking bato sa tabi ng daan
C. Siya ay nag-aaral nang mabuti
D. Ang silid-aklatan sa ikalawang palapag
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng sugnay na makapag-iisa?
A. Dahil sumakit ang kaniyang ngipin, siya ay dinala sa dentista.
B. Nag-aalala ang kanilang guro dahil isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Gelo.
C. Tumutulong siya sa pamilya sapagkat ito ang pangako niya sa kaniyang sarili.
D. Magagalang ang mga anak ni Angel dahil lagi niya itong pinangangaralan.
Ang mahinahong pag-uusap ng magkaibigan ay humantong sa pag-aaway nang may makisali sa kanilang usapan. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Naputol
B. Nagsimula
C. Nagtapos
D. Sumapit
Tanggap ko ang aking pagkakasala sa kaniya kaya sana ay hayaan mong makapagsimula kaming muli.
Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng _____________________.
A. Pagtanaw ng utang na loob
B. Pangungumusta
C. Panghihikayat
D. Pagtanggap sa pagkakamali
Ito ay mga salitang kilos o galaw.
A. Pang-abay
B. Pangngalan
C. Pandiwa
D. Pang-uri
Ang pagmamahal ni Dr. Jose Rizal sa ating bayan ay hindi matatapatan ng salapi.
Anong uri ng pangngalang pambalana ang salitang pagmamahal?
A. Tahas
B. Basal
C. Lansakan
D. Wala sa nabanggit
Paborito ni Gino ang pritong manok.
Anong uri ng pangngalang pambalana ang salitang manok?
A. Tahas
B. Basal
C. Lansakan
D. Wala sa nabanggit
Nagagalak ang lahat sa kaniyang mga suhestiyon sa pagpupulong. Tunay na napakalaki ng maitutulong niya sa atin.
Tukuyin ang panghalip na panaklaw na ginamit sa pangungusap.
A. nagagalak
B. lahat
C. suhestiyon
D. pagpupulong
Tutuparin ko ang pangarap ng aking mga magulang sa akin ________ito kahirap ay kakayanin ko.
A. ilan man
B. alin man
C. gaano man
D. kailan man
Ang salitang ito ay naglalarawan ng kilos o galaw.
A. pang-uri
B. pandiwa
C. pang-abay
D. pangngalan
Araw-araw ay __________ng halaman sa kaniyang munting hardin ang aking Lola Viring.
A. nagdilig
B. magdidilig
C. dilig
D. nagdidilig
Ang kanilang barangay ay tahimik kaya sila ay laging nananalo sa pinakamapayapang barangay sa buong distrito.
Alin sa mga sumusunod ang pang-uri o salitang naglalarawan?
A. tahimik
B. barangay
C. nananalo
D. distrito
Naglinis ng Manila Bay mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang mga empleyado.
naglinis ang mga empleyado?
Ibigay ang angkop na panghalip pananong.
A. Kailan
B. Ano
C. Bakit
D. Saan
Ito ay bahagi ng pahagayan na naglalaman ng kuro-kuro o opinyon ng isang editor.
A. Pampelikula
B. Libangan
C. Editoryal o Pangulong tudling
D. Pamukhang pahina
Si Carlos Yulo ang tinampok na mahusay na gymnast. Siya ay nag-aral sa Paaralang Aurora dito sa Maynila.
Anong bahagi ng pahayagan makikita ang balita tungkol dito?
A. Balitang pandaigdig
B. Isports
C. Pitak artista
D. Editoryal
Sobrang malungkot ang buhay ng mag-anak ni Felisa at Daren sa pagkawala ng kanilang alagang baboy.
Ano ang salitang inilalarawan ng sobra?
A. buhay
B. mag-anak
C. malungkot
D. buhay
Taimtim na nagpapasalamat ang mag-anak ni Garry.
Anong uri ng pang-abay ito?
A. Pamaraan
B. Panlunan
C. Pamanahon
D. Wala sa nabanggit
Pinakamaingat magmaneho ang aking tatay kaya lagi siyang tinatawag ng aming Kapitan.
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri ng pang-uring nakasalungguhit.
A. Lantay
B. Pahambing
C. Pasukdol
D. Wala sa nabanggit
Kay sarap ng biskwit na kinakain ko. Sa susunod ay bibili uli ako ___________
A. nito
B. niyan
C. niyon
D. ito
