NEW
Font size
WorksheetsAralin 3: Sanhi o Bunga
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi. Tukuyin ang sanhi sa pangungusap.
nalasing si David sa alak
hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi
Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat. Tukuyin ang sanhi sa pangungusap
Tahimik at madilim na ang bahay
tulog na ang lahat
Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro. Tukuyin ang sanhi sa pangungusap.
alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro
Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay
Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si Tatay. Tukuyin ang sanhi sa pangungusap.
Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel
bumili ng bagong sapatos si Tatay
Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida. Tukuyin ang sanhi sa pangungusap.
hindi marunong lumangoy si Terry
ginamit niya ang salbabida
Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain. Tukuyin ang bunga sa pangungusap.
nakahain na ang pagkain
Pumunta sila sa hapag kainan
Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig. Tukuyin ang bunga sa pangungusap.
Uhaw na uhaw si Gilbert
uminom siya ng maraming tubig
Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol. Tukuyin ang bunga sa pangungusap.
kanina pa ito tumatahol
Pinakain ko ang alagang aso mo
Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa pagod. Tukuyin ang bunga sa pangungusap.
Itinakbo sa ospital ang babae
nahimatay siya sa pagod
Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste. Tukuyin ang bunga sa pangungusap.
Nawalan ng preno ang dyip
bumangga ito sa poste
