WorksheetsPag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Bakit mahalaga ang pagbukas ng Suez Canal?
A. Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain
B. Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal
C. Dahil naging mahal ang bilihin
D. Dahil naging mayaman ang Pilipinas
Kailan naganap ang pag alsa sa Cavite?
A. 17 Nobyembre 1869
B. 20 Enero 1872
C. 17 Pebrero 1872
D. 19 Setyembre 1868
Alin ang hindi naging salik sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino?
A. Pagbukas ng Suez Canal
B. Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas
C. Pagbayad ng buwis
D. Pag alsa sa Cavite
Ano ang tawag sa paglagay ng mga Paring Sekular sa mga parokya?
A. Regular
B. Sekularisasyon
C. GOMBURZA
D. Principalia
Ano ang tawag sa mga paring hindi nabibilang sa anumang samahang relihiyoso?
A. Regular
B. Sekular
C. Ilustrados
D. GOMBURZA
Sino ang namuno sa kilusang itinatag ng mga Paring Pilipino?
A. Mariano Gomez
B. Jose Burgos
C. Jacinto Zamora
D. Pedro Pelaez
Ano ang inisyal na katawagan sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 17, 1872?
A. BurZaGom
B. Burgos-Gomez-Zamora
C. GomBurZa
D. Gomez-Burgos-Zamora-Abunda
Sino ang namuno sa pag alsa sa Cavite?
A. Mariano Gomez
B. Pedro Pelaez
C. Fernando La Madrid
D. Jose Burgos
Anong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan na naliwanagan o tinatawag na ilustrados?
A. Kilusang Propaganda
B. Katipunan
C. Sekularisasyon
D. Panggitnang uri
Kailan nabuksan ang Suez Canal?
A. 17 Nobyembre 1869
B. 17 Pebrero 1872
C. 20 Enero 1872
D. 19 Setyembre 186 8
Saan nabibilang ang mga mayayamang Pilipino, mga mestisong Español at Tsino?
A. Ilustrado
B. Regular
C. Propagandista
D. Panggitnang uri
Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan?
A. Maraming mga Pilipino ang umunlad ang pamumuhay.
B. Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan.
C. Maraming Pilipino ang naghirap.
D. Naging malupit ang mga Español
Anong pahayagan ang itinatag ni Graciano Lopez Jaena?
A. Diaryong Tagalog
B. La Solidaridad
C. Kalayaan
D. Katipunan
Ano ang tawag sa mga anak ng mayayamang Pilipino na nakapag aral at naging propesyonal?
A. Middle Class
B. Mestiso
C. Tsino
D. Ilustrado
Ano ang tawag sa panahon ng pag usbong ng liberal na ideya ng Pilipino?
A. Panahon ng Kalayaan
B. Panahon ng Katapangan
C. Panahon ng Kaliwanagan
D. Panahon ng Kapayapaan
Ang Gobernador Heneral na naniniwala sa liberalismo at nagpamalas ng mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino ay si:
A. Narciso Claveria
B. Rafael Izquierdo
C. Carlos Maria de la Torre
D. William Draper
Ang gumamit ng sagisag na Taga-ilog:
A. Dominador Gomez
B. Antonio Luna
C. Gregorio del Pilar
D. Jose Rizal
Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pag-aalsa maliban sa:
A. pagmamalupit sa mga katutubo
B. di pantay na pagtingin sa mga Pilipinong Pari
C. pang-aagaw ng mga lupain sa mga magsasaka
D. pagpapaalis sa hari ng Espanya
Ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at siya nating pambansang bayani:
A. Marcelo H. del Pilar
B. Jose Rizal
C. Graciano Lopez-Jaena
D. Antonio Luna
Ang susunod ay mga hangarin ng mga repormista o kilusang propaganda maliban sa isa:
A. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
B. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pamamahayag, pagpupulong at pagharap sa mga karaingan sa pamahalaan.
C. Itaguyod at palaganapin ang himagsikan.
D. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawain ng mga prayle.
Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo?
A. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaidigang kalakalan.
B. Pagsibol ng kaisipang liberal ng Pilipinas.
C. Pagpatay sa tatlong paring martir o GOMBURZA.
D. Pangingibang-bansa ng mga mahistrado.
Kilusang itinaguyod ng mga paring Pilipino upang ipagtanggol ang kanilang karapatan:
A. Liberalisasyon
B. Kristiyanismo
C. Pilipinisasyon
D. Sekularisasyon
Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang kilusang propaganda?
A. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa Pagsusulong ng reporma.
B. Kakulangan ng mga lider.
C. Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat.
D. Katamaran ng mga Pilipino.
Bakit napaaga ang pagsiklab ng himagsikan ng Katipunan?
A. Namatay si Jose Rizal
B. Natuklasan ang lihim ng kilusan
C. Nagkasundo-sundo ang mga pinuno nito
D. Nakapaghanda ng Mabuti ang kasapi nito
Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan?
A. Dumalo ang mga Español sa pagtitipon nito
B. May nagsiwalat sa mga gawain nito
C. Nag-alsa ang mga myembro nito
D. Namigay ito ng mga polyetos
Siya ang itinuring na Ama ng Katipunan.
A. Emilio Aguinaldo
B. Emilio Jacinto
C. Jose Rizal
D. Andres Bonifacio
Ang Katipunan ay tinatawag din na Kilusang KKK. Ano ang kahulugan ng KKK?
A. Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
B. Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Kalipunan ng mga Anak ng Bayan
C. Kataas-taasang, Kagitingang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
D. Kabataan, Kasamahan, Katipunan ng mga taong bayan
Ang Katipunan ay mayroong opisyal na pahayagan. Ano ang tawag sa pahayagang ito?
A. Diaryong Tagalog
B. Kalayaan
C. La Solidaridad
D. Doctrina Christiana
Alin ang tama? Ang tatlong bituin sa pambansang watawat ayon sa orihinal na besiyon nito ay kumakatawan sa:
A. Luzon, Visayas at Mindoro
B. Cebu, Mindoro at Panay
C. Luzon, Visayas at Mindanao
D. Luzon, Panay, at Mindanao
Bumagsak ang Unang Republika ng Pilipinas dahil sa
A. malakas ang mga Amerikano.
B. namatay si Heneral Antonio Luna.
C. nadakip at sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano.
D. nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
