wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP 5 - Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang produkto at serbisyo sa mga sumusunod na pangungusap?

a)

Si Andoy ay naglalaro ng kompyuter.

b)

Nagbabasa si Mario ng dyaryo.

c)

Si Mang Ambo ay nag-ani ng mga gulay at prutas upang itinda sa palengke.

d)

Araw-araw na naglalakad papunta sa paaralan si Ana.

2.

Ito ay karaniwang likha o gawa ng mga kamay, makina at isipan, ito rin ay mga bagay na itinatanim at inaani ng mga tao na maaaring ibenta.

a)

Entreprenyur

b)

ICT

c)

Produkto

d)

Serbisyo

3.

3. Ang mga taong nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at nagkaroon ng lisensiya ay tinatawag na ______.

a)

Bokasyonal

b)

Propesyonal

c)

Teknikal

d)

Opisyal

4.

Ang pagsisilbi o paglilingkod sa ibang tao na may angkop na kabayaran ay tinatawag na ______.

a)

Entreprenyur

b)

Produkto

c)

Propesyonal

d)

Serbisyo

5.

Ikaw ay pumapasok sa trabaho at nalaman mong maysakit ang iyong ina, dahil dito natambak ang inyong maruruming damit . Ano ang dapat mong gawin?

a)

Kumuha ng labandera.

b)

Magpalaba sa katrabaho.

c)

Hayaan nalang na nakatambak ang maruruming damit.

d)

Ipamigay ang maruruming damit.

6.

Habang kayo ay bumabyahe papuntang Baguio pumutok ang gulong ng inyong kotse dahil sa kalumaan at manipis na ito. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Maghanap ng vulcanizing shop

b)

Maghintay ng darating na tutulong

c)

Pumunta sa kapitbahay

d)

Tumawag ng karpintero

7.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng hanapbuhay na nabibilang sa sektor ng propesyonal maliban sa isa. Alin ito?

a)

Doktor

b)

Guro

c)

Abogado

d)

Tubero

8.

Alin sa mga sumusunod na produkto ang likha o gawa ng kamay?

a)

Kotse

b)

Hinabing banig

c)

Aklat

d)

Cellphone

9.

Si Mang Renato ay nais magpagawa ng bahay na yari sa kahoy. Kaninong serbisyo ang kanyang kailangan?

a)

Mananahi

b)

Pintor

c)

Karpintero

d)

Mekaniko

10.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring pagkakitaan?

a)

Karinderya

b)

Barberya

c)

Botika

d)

Panonood ng telebisyon