WorksheetsLesson 5 - Paano makikilala ang tunay na iglesia
Total questions: 13
Worksheet time: 10mins
Panimula: Maraming relihiyon at mga sekta sa buong mundo ngayon ang nagpapatunay na sila ang tunay na iglesia sapagkat nababasa ang kanilang pangalan sa Biblia at nakapangalan ito sa Dios at kay Jesucristo.
Tama
Mali
Piliin ang mga/tamang sagot:
Sa paksang ito, malalaman natin kung ano ang dapat magiging batayan ng isang tunay na iglesia. Ito ang pangunahing mga katanungan ng mga taong naghahanap ng katotohanan.
Sino ang nagtatag ng tunay na iglesia?
Kailan itinatag ang tunay na iglesia?
Saan nagmula ang tunay na iglesia?
Ano ang pangalan ng iglesiang itinayo ni Cristo?
Saan mababasa sa Biblia?
Piliin ang mga/tamang sagot:
Sa paksang ito, malalaman natin kung ano ang dapat magiging batayan ng isang tunay na iglesia. Ito ang pangunahing mga katanungan ng mga taong naghahanap ng katotohanan.
Ano ang mga turo ng isang tunay na iglesia?
Sino ang nalabi na iglesia?
Piliin ang mga/tamang sagot:
A. Sino ang nagtatag at saan nagmula?
1. Saan nagmula ang iglesiang itinayo ng Dios?
Isaiah 48:1 - Mula sa binhi ni Abraham
Mga Gawa 7:38 - iglesia sa Ilang na tumanggap ng aral na buhay.
Deuteronomio 7:6 - Pag-aari ng Dios at mga piniling bayan.
Mga Gawa 1:8; Luke 24:47 - Nagmula sa Jerusalem.
Ezekiel 5:5 - Jerusalem... sa gitna ng mga bansa.
Piliin ang mga/tamang sagot:
A. Sino ang nagtatag at saan nagmula?
2. Ang bayan ng Dios ay nabuwal, nawala at nagkasala ayon sa hula.
Hosea 14:1 - Nabuwal ang bayan ng Dios.
Amos 9:11 - Ibabangon ang nabuwal.
Mga Gawa 15:16 - itatayo ang nangasira.
Piliin ang mga/tamang sagot:
A. Sino ang nagtatag at saan nagmula?
3. Kung ito ay hula, kanino natupad ang pangakong itatayo muli ang iglesia?
Mga Gawa 13:23 - Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako. ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus;
Mateo 1:21. Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan.
Lukas 19:10 - Naparito upang hanapin at iligtas ang nawala.
Juan 12:46 - Ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
Piliin ang mga/tamang sagot:
A. Sino ang nagtatag at saan nagmula?
4. Bakit magtatayo pa si Jesus ng iglesia sa ibabaw ng bato ayon sa Mateo 16:18?
Ang salitang ginamit na ITATAYO sa Greek word ay "oikodomeo" na ang ibig sabihin ay "to restore or to rebuild". Dito maunawaan natin na si Jesus ay hindi nagtayo ng panibagong iglesia kundi Kanya lamang ayusin, ibangon, hanapin at iligtas muli ang nabuwal, nasira, nagkasala at nawalang iglesia noon.
Ang misyon ng Panginoon Jesus ay nakasentro sa paghahanap ng mga tupang nawaglit, pagtawag mula sa kadiliman tungo sa kaliwanagan, at pagligtas mula sa kasamaan at kasalanan. Sa katunayan, ang salitang IGLESIA ay nahati sa dalawang original greek word na ek - means OUT and kaleo - means CALL kaya ang kabuuan ng salitang IGLESIA sa Greedk word ay ekklesia - means CALLING OUT o TINAWAG MULA SA KADILIMAN... Kaya, tama ang pagkasulat ni Apostol Pedro sa 1 Pedro 2:9.
1 Pedro 2:9 Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayong pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalang niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
Juan 10:16 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
Piliin ang mga/tamang sagot:
B. Ano ang pangalan at saan mababasa sa Biblia ang Iglesia na itinayo ng Dios?
1. Walang binanggit na proper na pangalan sa Lumang Tipan kundi mga common noun lamang na katawagan, ito ay ang mga sumusunod:
congregation of the Lord - Numbers 20:4
assembly of God - Nehemiah 13:1 ASV
banal na Bayan - Deut. 7:6, Isaiah 62:12
bayang Banal - Isaiah 48:2
iglesia sa Ilang - Mga Gawa 7:38
Piliin ang mga/tamang sagot:
B. Ano ang pangalan at saan mababasa sa Biblia ang Iglesia na itinayo ng Dios?
2. Ito naman ang tawag sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan. Ang lahat na ito ay isang samahan, isang aral, isang layunin of pananampalataya. Hindi ito proper noun o pangalan ng relihiyon o sekta sapagkat nakasulat ito sa maliit na titik.
iglesia ng Dios - 1 Corinto 1:2
iglesia ni Cristo - Roma 16:16
iglesia ng Panginoon - Gawa 20:28
iglesia ng Dios na buhay - 1 Timoteo 3:15
iglesia ng mga Banal - 1 Corinto 14:33
Piliin ang mga/tamang sagot:
B. Ano ang pangalan at saan mababasa sa Biblia ang Iglesia na itinayo ng Dios?
2. Ito naman ang tawag sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan. Ang lahat na ito ay isang samahan, isang aral, isang layunin of pananampalataya. Hindi ito proper noun o pangalan ng relihiyon o sekta sapagkat nakasulat ito sa maliit na titik.
iglesia ng mga Panganay - Hebreo 12:23
iglesia sa Ilang - Mga Gawa 7:38
iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus. 1 Thes. 2:14
Piliin ang mga/tamang sagot:
B. Ano ang pangalan at saan mababasa sa Biblia ang Iglesia na itinayo ng Dios?
3. Ang tanging proper noun o pangalan ng relihiyon na nabanggit sa lahat na tagasunod ni Cristo ay ang nasa Mga Gawa 11:26.
Cristiano - Ito ay tunay na proper noun sapagkat nagsisimula sa capital letter.
Cristianatics - Ito din ay tunay na proper noun sapagkat nagsisimula sa capital letter.
Piliin ang mga/tamang sagot:
B. Ano ang pangalan at saan mababasa sa Biblia ang Iglesia na itinayo ng Dios?
4. BABALA: Mag-ingat sa gumagamit ng Pangalan ng Dios.
Mateo 24:4-5 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
Mga Awit 139:20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
Galacia 1:8 Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio an iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
Piliin ang mga/tamang sagot:
C. Ang tunay na iglesia ay makikilala sa pamamagitan ng turo o aral ng Dios.
Juan 7:17 Kung ang sinomang tao ay nag-iibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Ezekiel 44:23-24. At kanilang ITUTURO sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis. At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath.
1 Timoteo 4:16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
