wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 8 Pretest

Total questions: 30

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang angkop na salitang tutugma sa mga matalinghagang pahayag na ito.


Masigla't matamis ang kanyang pagbati, Nalugod ako sa kanyang -----------------.

a)

gawi

b)

lagaslas

c)

sabi

d)

payak

2.

Piliin ang angkop na salitang tutugma sa mga matalinghagang pahayag na ito


Habang sa talon may ------------ Doon sa ulap may pumapagaspas

a)

lagaslas

b)

payak

c)

pasintabi

d)

rumaragasa

3.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit " Nagtanim ako ng isip, sa ilalim ng tubig, daho'y makikitid, bunga' matutulis

a)

Nagtatanim muna bago mag-isip

b)

Madaling magtanim ng palay

c)

Pinag-iisipang mabuti ang pagtatanim

d)

Mahirap maghanda sa pagtatanim

4.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit ?


Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.

a)

Kailangan lumingon kapag naglalakad

b)

Alaahaning lagi ang nakaraan

c)

Nakabubuti ang paglingon paminsan-minsan

d)

Mahalaga ang pagbalik sa nakaraan

5.

Ano ang angkop na salita upang mabuo ang bugtong.


Bungbong kung ------------- kung gabi ay dagat.

a)

salamat

b)

liwanag

c)

hapon

d)

umaga

6.

Magbugtongan tayo


Isang supot ng uling, Naroo't ----------- duhat.

a)

bibitin-bitin

b)

babaling-baling

c)

maitim-itim

d)

maalon-alon

7.

Ano ang sagot sa bugtong na ito?


Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis

a)

tilapia

b)

bangus

c)

sili

d)

kasoy

8.

Ano ang sagot sa bugtong na ito?

Bulaklak muna ang gawin bago mo ito kainin

a)

pinya

b)

mansanas

c)

atis

d)

saging

9.

Narito ang isa pang tanong.


Maliit na parangsibat, sandata ng mga pantas

a)

palakol

b)

lapis

c)

pantasa

d)

papel

10.

Ano ang kahulugan ng salitang

Anak Pawis?

a)

Mahirap

b)

mayaman

c)

mabaho

d)

pawisin

11.

Ano naman ang kahulugan sa idyomang ito?


Dalawa ang bibig

a)

masayahin

b)

tahimik

c)

madaldal

d)

maramdamin

12.

Ano ang ibig sabihin ng idyomatikong salita na ito?


Alilang kanin

a)

mahilig kumain

b)

wala ng magulang

c)

matakaw

d)

utusang walang bayad o sweldo

13.

Ano ang kahulugan sa idyomatikong pananalita ang salitang

AHAS?

a)

taksil

b)

hayop

c)

nangangagat

d)

nakakatakot

14.

Ano naman ang kahulugan ng salitang ito?

Mababaw ang luha

a)

masayahin

b)

matampuhin

c)

masakit ang mata

d)

madaling umiyak

15.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?


Si Juan ay PUTOK SA BUHO at walang kinikilalang ama

a)

Anak sa pagkadalaga

b)

mabaho

c)

may putok

d)

galit sa Ama

16.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


Dahil hindi siya nakapagtapos,

Si Juan ay NAGBIBILANG NG POSTE ngayon

a)

may trabaho

b)

walang trabaho

c)

madaling nakakuha ng trabaho

d)

ayaw magtrabaho

17.

Ano ang sagot sa Palaisipang ito?


Ito ay pag-aari mo ngunit mas madalas pang gamitin ng ibang tao

a)

damit

b)

sapatos

c)

pera

d)

pangalan mo

18.

Ano ang sagot sa palaisipang ito?


Pumunta ako sa kaliwa Pumunta ka naman sa kanan Itinaas ko ang aking kanang kamay Ang sayo'y kaliwang kamay Sino ako?

a)

salamin

b)

anino

c)

kapatid

d)

mata

19.

Ano ang mas mabigat

Isang kilong BIGAS O

Isang kilong BULAK?

a)

bulak

b)

bigas

c)

wala

d)

pantay lang

20.

Maingay ang paligid, sari-saring paninda ang inaalok ng mga tindera. Hinahanap ko ang bahaging nagbebenta ng mga sariwang gulay . Ako ay nasa

a)

simbahan

b)

palengke

c)

odpital

d)

parke

21.

Napansin ni Kristine na nakaluhod ang mga tao. Taimtim silang nagdarasal. Maraming kandilang nakatulos mula sa mga deboto. Posibleng si kristine ay nasa?

a)

paaralan

b)

parke

c)

bahay

d)

simbahan

22.

Biglang naging pula ang berdeng ilaw. Humintong lahat ang mga sasakyan sa linya namin. Marunong talagang sumunod sa batas ang mga motorista. Ang inilalarawang lugar ay

a)

pamilihan

b)

lansangan

c)

paaralan

d)

mall

23.

Kasabay ng malalakas na tugtog ay mga nakabibinging putukan. nagsasaya ang lahat. Ganyan talaga ang mga Pilipino, masasaya lalo na sa okasyong ito.

Ang okasyong inilalarawan ay------

a)

Pasko

b)

Bagong taon

c)

Araw ng ng mga puso

d)

Araw ng mga bayani

24.

kung may hirap, may ginhawa. Nagbibigay ng pag-asa ang pahayag na ito sa mga taong:

a)

may tapat na pag pag na pagmamalasakit sa kapuwa at sa bayan

b)

Nagpapahalaga sa masikap na pag-aaral at paggawa

c)

Nagsisikap sa buhay at hindi sumusuko sa mga pagsubok

d)

Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panalangin at paggawa

25.

Ang pagsasama nang tapat, pagsasama nang maluwat. Nagpapaalala ang pahayag na ito na :

a)

kung makikisama, dapat tiyaking magtatagal ang pagkakaibigan

b)

makabubuting kalimutan na ang pakikisama nang tapat

c)

mahalaga ang pagiging matapat upang magtagal ang samahan

d)

tiyakin munang magtatagal ang samahan bago maging matapat

26.

Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot. Ipina hihiwatig ng pahayag na ito na :

a)

maraming tao ang gumastos nang higit sa kanilang kinikita

b)

magpayaman muna bago isipin ang pag-aasawa

c)

maikli lamang ang buhay kaya dapat lamang na magpakasaya

d)

matutong magtiis at magtiyaga hanggang wala pang sapat na kakayahan

27.

Tandaang kung ano ang lakad ng alimangong matanda, siya ring lakad ng alimangong bata. Pinaaalalahanan nito ang mga nakatatanda na :

a)

maging maingat sa pagkilos dahil ginagaya sila ng mga nakababata

b)

may sariling katangian ang mga nakababata kaya huwag silang pakialaman

c)

pareho lamang sila ng mga ikinikilos ng mga nakababata

d)

magpakabait sila sa mga makabagong kabataan sa kasalukuyan

28.

Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso. Nagbibilin ang pahayag na ito na:

a)

importanteng maging maingat sa pagpili ng petsa at araw ng pagpapakasal

b)

dapat na pag-isipang mabuti ang pag-aasawa dahil malaking responsibilidad ito

c)

magkakaroon ng hindi magandang bunga ang pag-aasawa nang maaga.

d)

mahalagang isipin muna kung may pagkaing pagsasaluhan ang mag-asawa

29.

Ano ang tamang pariralang paghahambing ang angkop sa pangungusap ?


--------------- sa lahat ang ginawang pagpapayo ng pinakamatanda sa tribu.

a)

kapuwa mabuti

b)

pinakamabuti

c)

mas mabuti

d)

mabuti

30.

Ano ang angkop na pariralang paghahambing sa pangungusap.


------------ magaganda at makikisig ang mga babae at lalaking may pintura sa katawan

a)

higit

b)

Kapwa

c)

pinaka

d)

di-hamak