wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Maikling Pagsusulit sa Filipino 7

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga ekspresyon ng ____________ ay ginagamit kung hindi tiyak o sigurado sa mga ipinahahayag o sinasabi.

a)

Posibilidad

b)

Pasalaysay

c)

Sanhi at Bunga

d)

Pang-Konklusyon

2.

Tulang pasalaysay na tumatalakay sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng pangunahing tauhan.

a)

tula

b)

alamat

c)

epiko

d)

pabula

3.

Kung nag-aaral sana ako nang mabuti siguro pasado ako sa pagsusulit.


Anong pang-ugnay ang nagsasaad ng posibilidad sa loob ng pangungusap?

a)

nang

b)

siguro

c)

pasado

d)

mabuti

4.

Ang mga sumusunod ay ang katangiang taglay ng epiko maliban sa isa. Ano iyon?

a)

may kakaibang lakas

b)

karaniwang nagpapakita ng pag-alis ng pangunahing tauhan sa kanyang tahanan

c)

ipinapakita ang pakikipaglaban

d)

ito ay hango mula sa bibliya

5.

Magagalang ang mga anak ng aking tita kaya tuwang-tuwa ang iba naming mga kamag-anak.


Ano ang bunga sa loob ng pangungusap?

a)

magagalang ang mga anak ng aking tita

b)

tuwang-tuwang ang iba naming mga kamag-anak

6.

Hindi siya natulog ng maaga at dahil dito nahuli siyang pumasok sa online class.


Ano ang sanhi sa loob ng pangungusap?

a)

nahuli siyang pumasok sa online class

b)

hindi siya natulog ng maaga

7.

Ang mga pagpipilian ay mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasabi ng sanhi o dahilan maliban sa isa.

a)

sapagkat/pagkat

b)

dahil sa

c)

kasi

d)

kaya

8.

Ang mga pagpipilian ay mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasabi ng bunga o resulta maliban sa isa. Ano ito?

a)

dahil dito

b)

tuloy

c)

kasi

d)

bunga

9.

Maaaring mahal ka niya dahil sa pinapakita niyang pag-aalaga sayo.


Anong pag-ugnay sa loob ng pangungusap ang nagpapakita ng posibilidad?

a)

maaari

b)

mahal

c)

dahil

d)

pag-aalaga

10.

Ang salitang epiko ay galing sa salitang Griyego na ___________.

a)

ipos

b)

epus

c)

ipus

d)

epos

11.

Ang salitang epiko ay nangangahulugang ___________.

a)

awit o sawikain

b)

awit o salawikain

c)

awit o kawikain

d)

awit o salangwikain

12.

Ang epikong Indarapatra at Sulayman ay mula sa _______________.

a)

Visayas

b)

Marinduque

c)

Magindanao

d)

Luzon

13.

Sino ang nagsatula ng epikong Indarapatra at Sulayman?

a)

Bartolome del Valle

b)

Bartolomi dil Valle

c)

Barte dela Villa

d)

walang tamang sagot

14.

Sino ang halimaw sa epikong Indarapatra at Sulayman na may maraming paa?

a)

Balbal

b)

Pah

c)

Kurita

d)

Tarabusaw

15.

Sino ang halimaw sa epikong Indarapatra at Sulayman na may mukhang tao na nakakatakot kung ito'y pagmasdan?

a)

Kurita

b)

Tarabusaw

c)

Pah

d)

Balbal

16.

Sino ang halimaw sa epikong Indarapatra at Sulayman na isang ibong malaki na may napakalapad na pakpak?

a)

Kurita

b)

Tarabusaw

c)

Pah

d)

Balbal

17.

Sino ang halimaw sa epikong Indarapatra at Sulayman na isang ibong maraming ulo?

a)

Kurita

b)

Balbal

c)

Tarabusaw

d)

Pah

18.

Saang bundok makikita ang ibong may maraming ulo?

a)

Bundok Bita

b)

Bundok Kurayan

c)

Bundok Matutum

19.

Ano-ano ang binigay ni Indarapatra kay Prinsipe Sulayman?

a)

singsing at kuwentas

b)

singsing at espada

c)

kuwentas at itak

d)

espada at itak

20.

Ano ang inilagay ni Indarapatra sa bintana para malaman niya ang sinapit ng kanyang kapatid?

a)

tubig

b)

halaman

c)

baso

d)

pagkain

21.

Sino ang nakapatay sa ikaapat na halimaw?

a)

Indarapatra

b)

Sulayman

22.

Ilan ang ulo ng ikaapat na halimaw na si Balbal?

a)

6

b)

7

c)

8

d)

9

23.

Ano ang nangyari kay Sulayman habang siya ay nakikipagbuno kay Pah?

a)

sinipa ng ibon

b)

kinagat ng ibon

c)

nabagsakan ng ibon

d)

natusok ng ibon

24.

Ano ang ibinuhos kay Sulayman upang siya ay mabuhay?

a)

dagat

b)

sabaw

c)

alak

d)

tubig

25.

Nakapangasawa si Indarapatra ng isang __________.

a)

mortal

b)

diwata

c)

salamangkero

d)

diyosa