wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtukoy sa Detalye at Pagkilala sa Katangian ng Tauhan

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Maagang ginising ni Aling Pilar si Resty.

a)

May lakad ang buong pamilya.

b)

May pasok na sa paaralan.

c)

May naghahanap sa kanyang isang kaibigan.

2.

Nagmamadali sa pagbibihis si Resty.

a)

Pinagalitan siya ng kanyang ama.

b)

Nakikipag-unahan siya sa kanyang kapatid.

c)

Baka mahuli siya sa paaralan.

3.

Maraming lukot na papel sa bag ni Resty.

a)

Ginamit niya sa pagguhit ng proyekto.

b)

Ginamit nila sa paglalaro ng batuhang papel.

c)

Ginamit niya sa mahabang pagsusulit.

4.

Hindi halos nabawasan ang pagkaing baon ni Resty.

a)

Hindi siya nagutom.

b)

Bumili siya ng lutong pagkain sa paaralan.

c)

Naging abala siya sa pakikipaglaro sa mga kaibigan.

5.

Pinagsabihan ni Aling Pilar ang anak.

a)

Ayaw niyang matutong mag-aksaya ang anak.

b)

Nainis siya sa gulo at kakulitan ng anak.

c)

Hindi siya pinakikinggan ng anak.

6.

"Resty, gising na, anak, mahuhuli ka na sa klase," sabi ni Aling Pilar sa anak. Si Aling Pilar ay______________.

a)

maasikasong ina

b)

malinis na ina

c)

masungit na ina

7.

"Naku, Inay, bakit ngayon n'yo lang po ako ginising? Baka mahuli ako!" Si Resty ay______________.

a)

natataranta

b)

mabagal

c)

galit na galit

8.

"Resty, bakit maraming papel sa bag mo? At saka bakit hindi halos nababawasan ang baon mong pagkain?"

Ang ina ay______________.

a)

nagtatanong

b)

nagtatampo

c)

nananabik

9.

"Naglaro po kami nina Nilo at Yohann ng batuhang papel kanina." Ang magkakaibigan ay_____________.

a)

nag-away-away

b)

nagkasayahan

c)

nagkatampuhan

10.

"Patawad po, Inay. Patawad rin po sa pagkaing hindi ko naubos. Hindi na po ako uulit."

Si Resty ay______________.

a)

nagmamalaki

b)

nagsisisi

c)

nahihirapan