NEW
Font size
WorksheetsPaunang Pagsusulit sa Filipino 4
Total questions: 40
Worksheet time: 46mins
Ang ____________ ay pumapasok sa paaralan araw-araw.
aso
bata
kaarawan
simbahan
Nagtimpla ng kape si Aling Aurora para sa kanyang asawa. _____ ay isang mapagmahal na kabiyak.
ako
sila
siya
kami
_____ ka pupunta?
magkano
sino
saan
ano
_____ ang iyong pangarap sa buhay, matutupad ito kung magsisikap ka.
anuman
saanman
gaanuman
kailanman
Ang kanilang bahay ay _____.
lalong maganda
higit na maganda
mas maganda
maganda
_____ ang kanyang damit kaysa sa akin.
maliit
mas maliit
napakaliit
ubod ng liit
Ang aking silid ang _____ sa lahat ng kuwarto sa bahay.
maluwang
lalong maluwang
higit na maluwang
pinaka-maluwang
Bukas _____ ang mag-anak pa-Maynila.
luwas
lumuwas
luluwas
lumuluwas
Si Karen ay _____ ng damit kahapon.
laba
naglaba
maglalaba
maglaba
Ang pagong ay _____ maglakad.
mabilis
magabal
malakas
mahina
Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba ng pang-uri sa pang-abay?
Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.
Ang pang-uri ay naglalarawan ng pang-abay at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.
Ang pang-uri ay naglalarawan ng pandiwa at ang pang-abay ay naglalarawan ng pangngalan.
Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa at pang-uri.
Ang mataba__ baboy ay alaga ni Tina. Anong pang-angkop ang dapat ilagay sa patlang?
na
ng
g
a
Ang masipag __ ama ay nakapagpatapos ng kanyang tatlong anak sa kolehiyo.
na
ng
g
a
Si Marife ay matalino _____ tamad mag-aral. Anong pangatnig ang dapat gamitin sa patlang?
kung
dahil
ngunit
sapagkat
_____ hindi uulan sa Sabado, pupunta tayo sa tabing-dagat.
Kung
Ngunit
Upang
Subalit
_____ ay matalik na magkaibigan. Anong simuno ang naaangkop gamitin sa patlang?
Si Alice
Virgie
Si Alice at Virgie
Siya
Anong pangungusap ang gagamitin sa pagtatanong?
Ako ay magbabakasyon sa Baguio.
Aray! Napakasakit ng tiyan ko.
Saan ka pupunta?
Tumayo ka.
Anong pangungusap ang gagamitin mo sa pag-uutos?
Isara ang pinto.
Sino ang iyong guro?
Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.
Pakiabot mo nga ang aklat na nasa mesa.
Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain ng kendi. Alin ang sanhi?
Sumakit ang kanyang ngipin
dahil sa sobrang pagkain ng kendi
Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobra
Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain
Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon, nakapasa siya sa pagsusulit. Alin ang bunga?
Nakapasa siya
Sapagkat nag-aral si Ben
Nakapasa siya sa pagsusulit
Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon
Isulat ang pangalan ng iyong paaralan sa isang kahon. Alin dito ang tama?
Sa aking palagay, hindi maganda ang panahon bukas. Ang pahayag ay isang _____.
katotohanan
opinyon
kasabihan
sawikain
Alin sa mga sumusunod ang wastong gamit ng anunsiyo klasipikado?
dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
dito mababasa ang balita ukol sa artista
dito maaaring makahanap ng trabaho
Alin sa sumusunod ang wastong gamit ang pangulong-tudling?
dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
dito mababasa ang balita ukol sa artista
dito maaaring makahanap ng trabaho
Ano ang wastong gamit ng talahulugan?
Dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito.
Dito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito.
Dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito.
Dito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito.
Ano ang wastong gamit ng Talaan ng Nilalaman?
Dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito.
Dito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito.
Dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito.
DIto makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito.
Anong pamatnubay ang titignan sa diksyunaryo upang mahanap ang salitang barya?
grap-lider
anod-dram
kalikasan-labuyo
pabula-sektor
Anong salita ang makikita sa pagitan ng pamatnubay na pormal-tradisyon?
santakrusan
editor
lider
ugat
Basahin ng mabuti ang kwento upang masagutan ang numero 29 hanggang 36.
ANG MAGKAPATID
Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Aron at Sharlin. Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang pamilya. Lahat ng pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-asawa. Pinalaki nila nang puno ng pagmamahal ang magkapatid.
Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking parang aso’t pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming bagay laro na sa mga laruan at sa gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang magalit. Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.
“Aron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway. Dapat kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano na lamang kung wala na kami ng tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling Tasiang.
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang dahil nanghihina siya. Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na muna ng itlog upang sila’y makakain habang wala pa ang kanilang ama.
“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay Sharlin.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang gumawa,” patuloy na sumbat ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aron.
Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa kanyang higaan upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at walang anu-ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang makabangon. Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang mga magulang.
Sino ang magkapatid sa kwento?
Aron at Sharlin
Ana at Maria
Ara at Shara
Ava at Shaina
Saan naganap ang kuwento?
sa bahay ng mag-anak
sa simbahan
sa palengke
sa paaralan
Bakit hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang?
dahil malakas siya
dahil tinatamad siya
dahil nanghihina siya
dahil may pupuntahan siya
Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid?
sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang nanay
sa pamamagitan ng pagmamalupit ng kanilang magulang
sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ng kanilang magulang
sa pamamgitan ng pangyayari sa kanilang nanay nang minsan itong magkasakit
33. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ibaba
I. Nagkasakit si Aling Tasiang
II. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid.
III. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak.
IV. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay.
II - IV - I - III
III - I - IV - II
III - IV - I - II
II - I - IV - III
Ano ang maaaring mangyari kung hindi pa rin natuto ng leksiyon ang magkapatid?
magiging masaya ang kanilang mga magulang
magiging malungkot ang kanilang magulang
magiging mabuti silang mga anak
magiging maunlad ang buhay nila
35. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang detalye sa binasang kuwento.
Si Aron at Sharlin ay magkaibigan.
Si Mang Juan at Aling Tasiang ay magkapatid.
Si Aron at Sharlin ay magkapatid na hindi magkasundo.
Si Mang Juan at Aling Tasiang ay mag-asawa na hindi nagmamahalan.
Basahin ang sumusunod na balita at sagutin ang bilang 36-39.
MANILA - Nabuwal ang isang poste ng ilaw sa center island ng Mindanao Avenue Extension sa Quezon City matapos mabangga ng isang truck, Biyernes.
Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre, nakaidlip siya habang nagmamaneho at nagising na lamang siya ng bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan sa poste.
"Hindi ko na napigil ang antok at pagod dahil umaga pa ako nagsimulang bumiyahe," ani Donayre.
Galing Bulacan ang truck at pauwi na sa upang gumarahe sa Antipolo nang maganap ang insidente.
Bagamat self-accident ang nangyari, mahaharap pa rin ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property dahil sa nasirang poste.
37. Bakit bumanga ang sasakyan?
dahil madulas ang daan
dahil madilim ang kalsada
dahil nakatulog ang drayber
dahil may iniwasang tumatawid sa kalsada ang drayber
Ano ang angkop na pamagat o ulo ng balita?
poste ng ilaw, nabuwal nang banggain ng trak sa Quezon City
drayber nakatulog, nahulog ang sasakyan sa bangin
sasakyan nabuwal, poste ng ilaw bumangga
trak nawalan ng preno, bumangga
Naalarma ang mga residente nang makita ang malakas na tubig na umaagos o dumadaloy sa bundok.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang umaagos mula sa pangungusap?
naalarma
dumadaloy
malakas
tubig
Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Ano ang kasalungat ng kapayapaan sa pangungusap?
pag-ibig
nagdudulot
kaguluhan
kayamanan
Ano ang pangalan ng nakaidlip na drayber?
Manny Gonzales
Jerrymie Donayre
Juan Donayre
Jerrymei Lin
