NEW
Font size
WorksheetsPaunang Pagsusulit sa Filipino 5
Total questions: 50
Worksheet time: 54mins
Hanapin ang pinakamalapit na kahulugan sa salitang nakasalungguhit.Hanapin ang pinakamalapit na kahulugan sa salitang nakasalungguhit.
Ang walang humpay na pagtatapon ng basura ay isang malaking problema ng pamahalaan.
dumami nang dumami
tumaas nang tumaas
tuloy-tuloy
pahinto- hinto
1Ang lahat ng bagay ay may pakinabang kaya’t nararapat lamang na timg pahalagahan.
halaga
magagawa
bigat
pera
May pag-aalinlangan sa kanyang isip kaya’t nararapat lamang na ating gabayan ang kanilang mga desisyon.
pagdududa
tiyak na tiyak
walang kasiguraduhan
nag-aalala
Maraming pamparikit na maaaring magawa mula sa bagay na aking nakuha sa bodega.
pampaganda
pampalasa
pandikit
panlinis
Malaki ang magagawa mo upang masagip ang bansang ito.
mapahamak
masayang
matulungan
marunong
Ang matuwid niyang pamumuhay ang naglapit sa kanya sa Diyos at sa maraming pagpapala sa buhay.
baluktot
masama
marangal
diretso
Nagalak si Noe nang malamang kasama niyang papasok sa daong ang kanyang buong pamilya.
naguluhan
nainis
nagtaka
natuwa
Mataginting na halakhakan ang naging sagot na tao sa mga sinabi ni Noe.
iyakan
inisan
tawanan
sigawan
Matapos ang malaking baha ay namatay ang lahat ng may buhay sa lupa maliban sa pamilya ni Noe.
hindi kabalikat
hindi kabilang
hindi katuwang
hindi umalis
Kung nakinig sana ang mga tao sa babalang ibinigay ni Noe ay nailigtas nila ang kanilang sarili at pamilya.
paalala
pananakot
pangako
kautusan
Bawat mamamayan ay hikayating magtanim sa kani- kanilang lugar upang makatulong sa kapaligiran
ipagtangggol
himukin
alukin
iwasan
Iligtas natin ang mga hayop na kabilang sa tinatawag na endangered species.
alagaan
bantayan
pabayaan
sagipin
Kaysarap malasin ang gintong araw sa paglubog nito tuwing dapit hapo sa dakong kanluran.
alamin
malaman
pagmasdan
tulugan
Panahon na upang tayo’y magbuklod para masagip ang kalikasan.
magkaisa
magkamayan
mag-away
maghiwalay
Salot kung ituring ang mga taong sumisira sa kapaligiran.
biyaya
peste
handog
regalo
Piliin ang uri ng pangngalang ginamit sa mga pangungusap.
Kaligayahan ni nanay na ipagluto kami ng masustansiyang pagkain.
tahas
basal
lansakan
wala sa nabanggit
Mas gusto ng pamilyang kumain ng isda kaysa sa karne.
tahas
basal
lansakan
wala sa nabanggit
Siguradong lalakas ng kumain ang pangkat ng mga lalaki sa pamilya.
tahas
basal
lansakan
wala sa nabanggit
Bumili kami ng isang buwig ng saging bilang panghimagas.
tahas
basal
lansakan
wala sa nabanggit
Sinasamahan ni inay ng pagmamahal ang kanyang luto kaya’t talagang masarap ito.
tahas
basal
lansakan
wala sa nabanggit
Piliin ang tamang panghalip na dapat gamitin pamalit sa mga salitang nasa panaklong.
1. (Si Joe) ______ ay isang mabuting alagad ng Diyos.
tayo
siya
sila
kami
Ginawa (ni Nani)______ nang maayos at buong tapang ang arko sa kabila ng panlilibak ng mga tao.
niya
tayo
siya
akin
(Mga taong masasama, mabisyo at walang alam na gawing mabuti sa kapwa) ______ ang naging dahilan kung bakit nagalit ang Diyos sa mundo.
sila
kami
ako
siya
Ibinigay (sa sarili) ______ ngayon ang pagkakataong maging bahagi ng grupo ni Keann.
tayo
siya
sakin
kami
(Ikaw at ako)______ ay dapat gumawa ng hakbang upang hindi na maulit ang nangyari noong panahon ng pandemya.
sila
tayo
kami
siya
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng tamang panghalip pamatlig.
________ ang ilan sa mga bagay na magagawa ng tao upang masagip ang mundo
ganoon
naroon
ito
doon
Upang maging matagumpay ang iyong layunin para sa mundo, ito ay dapat na nagmumula __________ sa kaibuturan ng ating puso.
dito
ito
ganoon
naroon
_________ at dumating na ang mga taong makatutulong mo sa pagkamit ng mga layuning ito.
hayan
nandito
ganire
ganoon
_________ sa pader ang listahan ng mga palatandaan na nagagawa mo ang layunin mo bilang estudyante.
hayun
hayan
ito
ganoon
_________ sa inyong lugar ay simulan mo ang magaganda mong plano para sa ikagaganda ng mundo.
ganyan
nito
doon
hayan
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ayon sa akda.
“Ang Talinghaga Tungkol sa Manggagawang na Di-Marunong Magpatawad”
Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa kanya,“Panginoon,makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito; ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na 10,000,00. Dahil sa siya´y walang ibayad,inutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: “Bigyan pa ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.Naawa sa kanya ang hari kaya pinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na 500 sa kanya.
Sinunggaban niya ito at sinakal,sabay wika; ”Magbayad ka ng utang mo! ng lumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya; ”Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita. ”Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito´y makabayad.Nang makita ng kanyang kapwa lingkod ang nangyari, sila´y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari.
Kaya´t ipinatawag siya ng hari, ”Ikaw-napakasama mo!” sabi niya.”Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa Akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring nahabag sa kapwa mo?” At sa galit ng hari, siya´y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”(MATEO 18:21-35)
Sino ang lumapit kay Hesus at nagtanong kung makailang beses dapat patawarin ang isang nagkasala?
Juan
Pablo
Pedro
Haring David
Gaano kalaki ang halaga ng pagkakautang ng manggagawa sa hari?
₱ 10,000
₱ 10,000,000
₱ 20,000,000
₱ 100, 000, 000
Ano ang naging katugunan ng hari sa nagmamakaawang manggagawana walang maibayad sa kanyang pagkakautang?
Binigyan niya ulit ito ng karagdagang palugit upang siya’y makapagbayad
Dahil sa walang naibayad ang manggagawa ay ipinabilanggo niya ito.
Ginawang alipin ang buo niyang sambahayan sa palasyo ng hari.
Pinatawad ng hari ang lahat ng kanyang pagkakautang
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginawa ng manggagawang may utang sa kanya ng ₱ 500?
Binigyan niya ito ng karagdagang palugit.
Ipinabilanggo niya ito.
PInilit niyang bayaran siya nito.
SInunggaban at sinakal niya ito.
Sino ang nagsabi sa hari sa hindi magandang ginawa ng manggagawang kanyang pinatawad sa kapwa nito manggagawa?
ang manggagawang ipinakulong ng manggagawang ipinatawad.
Kapamilya ng manggagawang ipinakulong
Kapamilya ng manggagawang pinatawad
Kapwa lingkod na nagdamdam sa ginawa ng manggagawang pinatawad
Piliin kung anong bahagi ng pahayagan ang iyong pupuntan kung hahanapin ang impormasyong nakatala sa bawat bilang.
Gusto mong maghanap ng trabaho para sa darating na summer.
Pang-mukhang pahina
balitang pandaigdig
anunsiyong klasipikado
editoryal
Gusto mong malaman ang nangyayari sa China at Malaysia.
Editoryal
Balitang Pandaigdig
Balitang Lokal
Balitang isports
Gusto mong malaman ang opinyon ng patnugot hinggil sa mainit na balita.
Editoryal
Anunsiyong klasipikado
Balitang pangkomersyo
panlibangan
Gusto mong malaman ang palitan ng dolyar at piso.
Anunsyong klasipikado
Balitang pangkomersyo
panlibangan
balitang lokal
Makikibalita ka tungkol sa paborito mong artista.
panlibangan
anunsyong klasipikado
balitang isports
Editoryal
Nainip ka at gusto mong maglaro ng palaisipan.
Anunsiyong klasipikado
panlibangan
editoryal
balitang isports
Nais mong bumili ng bahay.
Balitang Pangkomersiyo
balitang lokal
anunsiyong klasipikado
balitang pandaigdig
Nais mong malaman ang iba pang balita sa loob ng bansa.
balitang lokal
balitang pangkomersyo
anunsiyong klasipikado
balitang pandaigdig
Nais mong malaman ang pinakamahalagang pangyayari sa bansa.
balitang pangkomersyo
balitang lokal
balitang isports
balitang pandaigdig
Nais mong malaman kung anong team ang nanalo sa larong basketbol.
anunsiyong klasipikado
balitang isports
editoryal
panlibangan
Piliin ang wastong pang- ugnay na dapat gamitin sa pangungusap.
Hangad ng isang pinuno ang mapayapa ________ pamayanan.
ng
na
at
-ng
Ang mapang-abusong lider ay hindi dapat matanggal sa kanyang posisyon ________
maraming tao ang puwedeng masaktan o maapi.
bagkus
dahil
datapwa't
na
_______ batas at sa kanyang budhi ang naging desisyon ng bagong hari.
alinsunod sa
laban sa
tungkol sa
dahil sa
Pinagpapala ng Diyos ang isang lider________ siya ay tapat sa kanyang sarili at sa kanyang mamamayan.
bagkus
kung
samantala
at
Nag-iisip at gumagawa ng magagandang plano ang hari __________ kanyang mga nasasakupan.
sa
dahil sa
para sa
laban sa
