Font size
Worksheets100595
Total questions: 30
Worksheet time: 13mins
Ang sub-tema ng Buwan ng Wika sa taong ito ay "Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya." Nararanasan natin ngayon ang mabagsik na COVID-19 na sanhi ng isang bagong virus. Saan unang namataan ang sakit na ito?
Wuhan, China
Shanghai, China
Guangdong, China
Fujian, China
Ang Baybayin ay isang lumang sistema ng pagsulat na ginamit sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng 17 titik kung saan 3 rito ang patinig at 14 ang katinig. Ano ang tamang pagkakasulat ng bilang na 17 sa Filipino?
labing-pito
labingpito
labinpito
labimpito
Noong Agosto 21 ay ipinagdiwang natin ang Ninoy Aquino Day bilang pagkilala sa kadakilaan ni dating Senador Benigno Aquino Jr. Sa lumang limandaang pisong papel kung saan makikita ang kanyang mukha, ano ang siping sinambit niya ang nakalagay sa harapang bahagi ng perang papel na ito?
The Filipino is worth living for.
The Filipino is worth dying for.
The Filipino is worth living and dying for.
The Filipino is worth it all.
Sa anong taon naging Pilipino ang Tagalog?
1959
1921
1973
23 BC
Unang lumabas ang pelikulang Darna sa takilya sa taong 1951 na ginampanan ni Rosa Del Rosario. Sinong aktres naman ang gumanap sa tanyag na Pinoy superhero na ito noong 2005?
Sharon Cuneta
Angel Locsin
Marian Rivera
Vilma Santos
Sa kaayusang pangsatunawin (digestive system), alin sa mga sumusunod ang dinadaan ng pagkain at tubig mula bibig hanggang sikmura?
lalagukan (pharynx)
bitukang pataas (ascending colon)
lalaugan (esophagus)
punong-isaw (duodenum)
Ang wikang Tausug ay ginagamit ng mga taong naninirahan sa pinakadulong timog ng bansa. Ano ang kabisera o capital ng lalawigang tinutukoy?
Tagum
Jolo
Zamboanga
Digos
Bugtong: Pirmi lang gapasirong pay basa man dyapon.
payong
kahoy
tubig
dila
Sa diin nga suba nag-umpisa baklanay ang mga Ati kag ang mga Bornayonon?
Sirawagan, San Joaquin
Iloilo City River
Launan, Dumangas
Cabugao, Pavia
Ang buong buwan ng Agosto ang itinalagang Buwan ng Wikang Pambansa bilang pagkilala sa Ama ng Wika na si Manuel Luis Quezon. Saang lungsod at lalawigan siya ipinanganak?
Morong, Rizal
Bocaue, Bulacan
Lucban, Quezon
Calamba, Laguna
Sa bahagi ng lambalang miksipat, isang instrumento na ginagamit ng mga siyentipiko sa pag-aaral ng mga bagay na hindi nakikita ng mga mata, alin sa mga sumusunod ang pinagmumulan ng liwanag?
panipat (eyepiece)
panaklaw (objective)
tanghalan (stage)
salamin (mirror)
Sa diin ang insakto nga pamangkot agud makilala mo ang isa ka tawo?
Ano imo pangalan?
Ano imo ngalan?
Diin imo ngalan?
Dili imo pangalan?
“Kamatayan! Ikaw ang kahahantungan ng lahat sa gabing ito, walang sinuman ang makaliligtas.” Ano ang tayutay sa pahayag na ito?
pagwawangis
pagmamalabis
pagtawag
pagsasatao
Sa awiting-bayan na Sitsiritsit, saan inihambing ang babae kung siya ay gumiri?
manika
langgam
tandang
sanggol
Kung ang Monday ay Lunes at ang Friday ay Biyernes. Ano sa Hiligaynon ang Wednesday (Miyerkules)?
Ulalong
Baylobaylo
Sadyahan
Patalang
Si Andrea ay gumagawa at nagbebenta ng kakanin. Ang halaga sa paggawa ng bawat piraso ng kaniyang panindang kakanin ay 13 piso at 50 sentimo. Kung ibinibenta ni Andrea sa halagang ₱20 ang bawat isa, ilang piraso ang dapat niyang ipagbili para makatubo ng ₱400?
(a)
Lima ay dadagdagan ng isang daan at babawasan ng isang daan at limampu at padamihin ng sampung beses. Ulitin ang proseso ng tatlong beses. Ang tanong, ano sa wikang Filipino ang planetang Neptune?
Magwayen
Daigdig
Malandok
Amihan
Sa hilera ng mga batang nakapila, si Bob ay ika-12 mula sa harap at ika-8 naman mula sa likuran. Ilan lahat sila sa pila?
(a)
Sa panitikang Filipino, sino ang huling nakausap ni Simon bago siya mamatay?
Pedro Pabo
Padre Paterno
Padre Florentino
Pablo Juan
Si Miguel ay A na taong gulang. Si Karl ay tatlong taong mas matanda kaysa kay Miguel at ang edad ni Karl ay kalahati ng edad ni Mark. Ilang taong gulang si Mark?
2A + 3
2A + 6
2A - 3
A + 5
Sa ritmo ng "Marcha Filipina Magdalo" na sinulat ni Julian Felipe noong taong 1898, ilan ang kabuuang segundo ng pagkanta ng Lupang Hinrirang?
50 segundo
55 segundo
60 segundo
65 segundo
Ito ang itinuturing na pangunahing yunit ng bahagi at gamit ng mga buhay na bagay.
sihay (cell)
kaphay (membrane)
mulapik (atom)
sulidlawas (mitochondrion)
Ano sa Hiligaynon ang affixes?
apik
tapik
panapik
tap-ing
Si Ben at Jose ay magkabagang sa lahat na pagkakataon. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
magka-away
magkasintahan
magkasundo
magkalaban
Ito ang tawag sa katutubong sayaw na ginagamitan ng mabilis na galaw habang pinatutunog ng mga mananayaw ang mga bao ng buko.
Pandango sa Ilaw
Tinikling
Maglalatik
Binasuan
Ang salitang ito ay may kahulugan na pagkabighani sa anumang maganda, lalo na kapag bago sa paningin.
bulaklak
dalaga
tomboy
bakla
Bugtong: Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
tiyan
payong
unan
sumbrero
Hindi tatablan ng apoy ang batang iyon. Ano ang ibig sabihin ng ‘hindi tatablan ng apoy?’
napakarumi
malangsa
sinisipon
nakadroga
Isa ka bantog nga ambahanon sang rehiyon ang “Mauli gid ako sa Antique.” Sin-o ang kompositor sini?
Dante Beriong
Jose Mari Chan
Nitoy Gonzales
Cesar Manalili
Ang ibong adarna ay isang koridong patungkol sa isang hari na may tatlong magigiting na mga anak. Sila ay naglakbay sa bundok Tabor upang makuha ang nakapagpapagaling na engkantadong ibon. Sino ang bunso sa magkakapatid?
Don Pedro
Don Diego
Don Felipe
Don Juan
