wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PANITIKAN

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

maiksing sanaysay ukol sa mga posibleng mangyari o nangyayari sa buhay. Kadalasan ito ay nagtuturo ng aral ispiritwal o kagandahang asal na maaring gamiting gabay ng tao sa pagdesisyon.

a)

mitolohiya

b)

maikling kuwento

c)

parabula

d)

nobela

2.

isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan

a)

sanaysay

b)

nobela

c)

talambuhay

d)

maikling kuwento

3.

Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan

a)

nobela

b)

dula

c)

pabula

d)

parabula

4.

uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan

a)

balita

b)

sanaysay

c)

talumpati

d)

anekdota

5.

isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan

a)

pabula

b)

maikling kuwento

c)

parabula

d)

epiko

6.

Anyo ng panitikan na may sukat ,tugma ,taludtod,simbolismo at mga matatalinhagang pahayag.

a)

tuluyan

b)

paglalahad

c)

pagsasalysay

d)

patula

7.

isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

a)

maikling kuwento

b)

talambuhay

c)

nobela

d)

dula

8.

tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa

a)

dula

b)

epiko

c)

maikling kuwento

d)

anekdota

9.

isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda

a)

anekdota

b)

sanaysay

c)

talambuhay

d)

balita

10.

Ito ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uri ng mga mamamayan sa isang lipunan

a)

alamat

b)

mitolohiya

c)

kuwentong bayan

d)

nobela

11.

isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala

a)

nobela

b)

talambuhay

c)

talumpati

d)

sanaysay

12.

isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig

a)

alamat

b)

mitolohiya

c)

kuwentong bayan

d)

balita

13.

isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao

a)

sanaysay

b)

alamat

c)

anekdota

d)

talambuhay

14.

isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon

a)

anekdota

b)

talumpati

c)

talambuhay

d)

kuwentong bayan

15.

Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong ito ang mga diyos at diyosa. Nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan

a)

mitolohiya

b)

alamat

c)

kuwentong bayan

d)

maikling kuwento

16.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paglalarawan ng panitikan?

a)

pamumuhay

b)

kaugalian

c)

tradisyon

d)

wastong gamit ng salita

17.

isang uri ng literatura na mayroon layunin magsaad ng kwento na karaniwan ay nagmumula sa imahinasyon ng isang tao. Ito ay walang katotohanan kung kaya't ang mga paksa na madalas na tinatalakay dito ay makulay o hindi kaya ay isang pantasya

a)

Hindi kathang-isip/ hindi Piksyon

b)

Patula

c)

Tuluyan

d)

Kathang Isip/ Piksyon

18.

tumutukoy sa mga uri ng literatura na nagsasaad ng mga totoong pangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ay may layuning ibahagi o isalaysay ang mga naging karanasan ng isang tao.

a)

piksyon/kathang-isip

b)

hindi piksyon/ hindi kathang-isip

c)

patula

d)

tuluyan

19.

Alin sa mga sumusunod na panitikan kabilang ang akdang ito ?

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

a)

alamat

b)

mitolohiya

c)

pabula

d)

parabula

20.

Alin sa mga sumusunod na panitikan nabibilang ang akdang ito?


Napag-usapan ng mag-asawa amg mga plano nila para sa bubuohin nilang pamilya at sa kanilang pag-uusap

(Sa bahay )

Vena: alam mo pang ,kailan kaya tayo biyayaan ng anak no!

Matagal-tagal na rin na wala pa tayong anak .

(malungkot ag mukha)

Rey: Ako din, mang para maramdaman naman natin yong

pakiramdam na mayroong isang anak

Vena:Pang! kapag magkaanal ba tayo hindi ka ba magba-

bago ,Mamamahalin mo pa ba ako,gaya ngayon .

a)

maikling kuwento

b)

sanaysay

c)

dula

d)

nobela

21.

Alin sa mga sumusunod nabibilang ang panitikang ito?

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik na anak. “Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila,” sabi ng anak sa ama.

a)

mitolohiya

b)

pabula

c)

parabula

d)

kuwentong -bayan

22.

Alin sa mga sumusunod na panitikan nabibilang ang akdang ito?

Isang guro mula sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur ang natatanging Filipino na napabilang sa 50 finalists ng isang prestihiyosong patimpalak na kumikilala sa serbisyo ng mga guro galing sa iba't ibang panig ng mundo.

Kinilala sa Global Teacher Prize 2020 si Windel Alvarez, isang mobile teacher ng Alternative Learning System (ALS), na naglalayong maghatid ng edukasyon sa mga out-of-school youth maging sa mga matatandang hindi gaanong nakapag-aral.

a)

sanaysay

b)

talambuhay

c)

balita

d)

alamat

23.

Alin sa mga sumusunod na panitikan nabibilang ang akdang ito?

El Filibusterismo Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika


Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng letra ng kanilang mga apelyido.

a)

nobela

b)

maikling kuwento

c)

talambuhay

d)

dula

24.

Alin sa mga sumusunod na panitikan nabibilang ang akdang ito?

Ang sinaunang mundo ay punong-puno ng kaguluhan, kamatayan at kadiliman. Ang tanging nilalang lamang noon ay sila Erebus, ang Gabi at ang Kamatayan. Hanggang sa isinilang si Nyx, isang malaking ibong may pakpak na itim.

Si Nyx ay nagluwal ng isang gintong itlog. Kanya itong inalagaan at inantay na mabiyak. Nang ito ay nabiyak, lumabas ang Diyos ng Pag-ibig na si Eros

a)

kuwentong -bayan

b)

alamat

c)

mitolohiya

d)

anekdota

25.

Alin sa panitikan nabibilang ang akdang ito ?


Pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Marami na akong nakasama at nakasalamuhang iba't ibang uri ng mga tao, ngunit walang nagtatagal sapagkat sa lahat ng ayoko ay iyong mga taong may dalawang mukha o yung mga tinatawag nilang "plastic"

a)

talambuhay

b)

sanaysay

c)

talumpati

d)

balita