Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Alamat at Epiko ng Mindanao

Total questions: 25

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sa Alamat ng Mindanao, sino ang Sultan na mayroong natatanging anak na babae?

a)

Sultan Gutang

b)

Sultan Soliman

c)

Sultan Dimasangkay

d)

Sultan Timoway

2.

Sa Alamat ng Mindanao, upang malaman ng Sultan kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na babae, ano ang kanyang ginawa?

a)

magkaroon ng pagsubok para sa mga manliligaw

b)

ipakasal ang kanyang anak sa pinakamayamang prinsepe

c)

nagpatayan ang mga manliligaw ng prinsesa

d)

ang prinsesa ang pinapili kung sino ang kanyang pakakasalan

3.

Sa Alamat ng Mindanao, ano ang ikalawang pagsubok ng Sultan?

a)

kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan

b)

pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon

c)

Pagtulay sa lubid

d)

umakyat sa pinakamataas na bundok

4.

Sa Alamat ng Mindanao, ano ang unang pagsubok ng Sultan?

a)

kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan

b)

pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon

c)

Pagtulay sa lubid

d)

umakyat sa pinakamataas na bundok

5.

Sa Alamat ng Mindanao, ano ang huling pagsubok ng Sultan?

a)

kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan

b)

pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon

c)

Pagtulay sa lubid

d)

umakyat sa pinakamataas na bundok

6.

Sa Alamat ng Lawa ng Lanao, ano ang pangalan ng higante?

a)

Umacaan

b)

Ucamaan

c)

Umanaac

d)

Ucanaam

7.

Sa Alamat ng Lawa ng Lanao, bakit kinakatakutan ang higante?

a)

dahil kumakain ito ng tao

b)

dahil bumubuga ito ng apoy

c)

dahil sinisira nito ang kanilang bahay

d)

dahil ayaw nito sa maiingay na tao

8.

Sino-sino ang mga magkapatid na nangakong patayin ang higante sa lalawigan ng Lanao?

a)

Raja Indarapatra at Raja Soliman

b)

Sultan Indarapatra at Sultan Soliman

c)

Raja Indaraparta at Raja Soliman

d)

Sultan Indaraparta at Sultan Soliman

9.

Sino ang nagbalita kay Soliman tungkol sa sinapit ng kanyang kapatid?

a)

espiritu

b)

diwata

c)

ang higante

d)

mahiwagang ibon

10.

Sa alamat ng Lawa ng Lanao, ano ang nangyari sa mga nahulog na putik sa lawa?

a)

naging mga munting isla na bahagi ng Lawa ng Lanao sa kasalukuyan

b)

naging mga burol at bundok sa paligid ng lawa

c)

naging mga bagong higante

11.

Sa alamat ng Lawa ng Lanao, ano ang nangyari sa mga bola ng putik na nahulog sa mga kapatagan?

a)

naging mga munting isla na bahagi ng Lawa ng Lanao sa kasalukuyan

b)

naging mga burol at bundok sa paligid ng lawa

c)

naging mga bagong higante

12.

Sa epikong Darangen, ano ang dahilan ng pagkakaroon ng tunggalian sa mga tauhan ?

a)

dahil sa pagdukot ng Prinsesa

b)

dahil nag-aagawan sila ng kaharian

c)

upang malaman kung sino ang pakakasalan ng Prinsesa

d)

upang malaman kung sino ang mas malakas sa kanila

13.

Sa epikong Darangen, ano ang tawag sa sasakyang pandigmang nabanggit?

a)

Rinayong

b)

Riyanong

c)

Renayong

d)

Reyanong

14.

Sa epikong Darangen, sino-sino ang dalawang taong nagpatayan na binaggit sa unang bahagi ng epiko?

a)

Mabaning at Umacaan

b)

Dimasangkay at Bantugan

c)

Mabaning at Dimasangkay

d)

Mabaning at Bantugan

15.

Sa epikong Darangen, sino ang taong tumulong sa pangunahing bida?

a)

Mabaning

b)

Umacaan

c)

Dimasangkay

d)

Bantugan

16.

Saang lugar naging Datu si Timoway?

a)

Pintoqan

b)

Sakabandar

c)

Kasanggolan

d)

Sirangan

17.

Bakit gustong pumunta ni Timoway sa ibang lugar?

a)

para humanap ng gamot sa kanyang asawa

b)

para kumuha ng mga pagkain

c)

para humanap ng bagong matitirhan

d)

para magpatulis ng mga kagamitan

18.

Sino ang kasama ni Timoway na umalis sa kanilang lugar na isa ring Datu subalit nasa ibabang antas?

a)

Pintoqan

b)

Sakabandar

c)

Sirangan

d)

Kasanggolan

19.

Sino rin ang sumama kina Timoway na ang asawa ang buntis din?

a)

Pintoqan

b)

Sakabandar

c)

Sirangan

d)

Kasanggolan

20.

Sino si Diwata Pegderaman?

a)

diyosa ng hangin, kidlat at kulog

b)

diyosa ng hangin, kindat at kulog

c)

diyosa ng kagandahan, kabaitan at kayamanan

d)

diyosa ng kagandahan, kasamaan at kalungkutan

21.

Sino ang anak na lalaki ni Timoway?

a)

Tomitib Manaon

b)

Kakashi

c)

Taake

d)

Sasuke

22.

Sino ang ama ni Tomitib Manaon?

a)

Sakabandar

b)

Kakashi

c)

Taake

d)

Timoway

23.

Ano ang ipinangalan ni Lilang Diwata kay Taake?

a)

Bataqelo

b)

Kakashi

c)

Tomitib

d)

Malopanyag

24.

Sino ang Diyos na pinaypayan ang isang kaharian dahilan kung bakit nabuhay ang mga tao?

a)

Asog

b)

Buklog

c)

Pegderaman

d)

Malopanyag

25.

Anong tunggalian ang taglay ng epikong Darangen

a)

Tao laban sa tao

b)

Tao laban sa sarili

c)

Tao laban sa kalikasan