wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 8 - Modyul 1 : Panimulang Pagtataya

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Ano ang tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?

a)

Kasaysayan

b)

Heograpiya

c)

Sikolohiya

d)

Ekonomiks

2.

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pisikal?

a)

Anyong Lupa at Tubig

b)

Gawi ng tao

c)

Klima at Panahon

d)

Likas na yaman

3.

3. Ano ang tawag sa matigas at mabatong bahagi ng planetang daigdig?

a)

Crust

b)

Core

c)

Mantle

d)

Pangea

4.

4. Ano ang klima ng mga bansang malapit sa ekwador?

a)

Klimang Tropikal

b)

Klimang Polar

c)

Klimang Tuyo

d)

Klimang Kontinental

5.

5. Alin sa mga sumusunod ang masa ng kalupaang nabuo ng magsimulang naghiwalay ang kalupaan ng Pangea?

a)

Terra del Fuego at India

b)

Eurasia at Antartica

c)

Laurasia at Gondwana

d)

Atlantis at Lemuria

6.

6. Anong kontinente ang may pinakamalaking sukat?

a)

Africa

b)

Australia

c)

North America

d)

Asia

7.

7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong lupa, maliban sa:

a)

Bundok Everest

b)

Tangway ng Siam

c)

Baybayin ng Bengal

d)

Talampas ng Tibet

8.

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tema ng heograpiya na Paggalaw?

a)

Kinahiligan ng mga Pilipino ang musikang K-pop.

b)

Ang Beijing sa China ay matatagpuan sa 39.9042° N, 116.4074° E.

c)

Arid at Semi- Arid ang pangunahing klima sa Kanlurang Asya.

d)

Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga nakatira sa kapatagan.

9.

9. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig dahil nakaaapekto ito ng malaki sa?

a)

Klima at panahon

b)

Kalupaan at katubigan

c)

Kilos at gawi ng tao

d)

Buhay-hayop at buhay-halaman

10.

10. Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 429, 000 kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9% ng saklaw ng surface ng daigdig. Ano ang ipanahihiwatig nito?

a)

Malawak ang katubigan sa mundo.

b)

Mas malawak ang saklaw ng kalupaan kaysa katubigan.

c)

Malalim ang katubigan ng mundo.

d)

Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.

11.

11. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pagkakaiba-iba ng klima sa mundo?

a)

Iba-iba ang pakikiangkop at pamamaraan ng pamumuhay ng tao.

b)

Iba-iba ang kinagisnang kultura at pananaw sa pamumuhay ng tao sa mundo.

c)

Iba-iba ang pagtugon ng mga tao sa mga nararanasang kalamidad.

d)

Iba-iba ang paniniwala at pananampalataya ng mga tao sa mundo.

12.

12. Alin sa mga sumusunod ang HIGIT na nagpapakita ng pangangalaga sa likas na yaman ng daigdig?

a)

Paggamit ng mga renewable energy tulad ng solar at wind energy na hindi nauubos.

b)

Huwag mangisda sa mga maliliit na ilog at dagat.

c)

Pagtatapon sa tamang basurahan.

d)

Pagtatanim ng mga pagkain sa sariling bakuran upang hindi maubos ang likas na yaman.

13.

13. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao na nakatira sa mga kapatagan?

a)

Pagtatanim at paghahayupan

b)

Pangangaso at pagtotroso

c)

Pangingisda at pagmimina

d)

Pangangalap at pangangaso

14.

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa mahalagang gampanin ng mga anyong lupa at tubig at mga likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao?

a)

Ang mga anyong lupa ay nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop.

b)

Ang mga anyong lupa at tubig ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang likas na nililinang ng mga tao.

c)

Ang mga anyong lupa at tubig ang pinanggalingan ng mga hilaw na materyales na kinakailangan ng mga tao upang gawing mga produkto.

d)

Ang mga anyong lupa at tubig nagiging dahilan ng hidwaan at pagaagawan ng teritoryo ng mga magkakalapit na bansa.

15.

15.Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao sa larangan ng agrikultura?

a)

Ang mga likas na yaman ay pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na panustos sa mga pagawaan.

b)

Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa at maging ang mga produktong iniluluwas nito ay nagmula sa pagsasaka.

c)

Sa patuloy pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng pangangailangan at pananahan nito.

d)

Paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapadami ang produksyon at mapataas ang pambansang kita ng isang bansa.