wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 11

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.

a)

Personal

b)

Inter-askiyunal

c)

Instrumental

d)

Regulatori

2.

Dahil sa tungkulin na ito ng wika sa lipunan, maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.

a)

Instrumental

b)

Regulatori

c)

Personal

d)

Representasyunal

3.

Ayon kay Jakobson may anim pang paraan/tungkulin ang paggamit ng wika. Isa rito ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

a)

Panghihikayat (Conative)

b)

Paggamit bilang Sanggunian (Referential)

c)

Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)

d)

Patalinghaga (Poetic)

4.

Ito ang gamit ng wika ayon kay Jakobson na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

a)

Patalinghaga (Poetic)

b)

Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)

c)

Paggamit sa kuro-kuro (Metalingual)

d)

Panghihikayat (Conative)

5.

Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagpasimula ng usapan.

a)

Pagsimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)

b)

Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)

c)

Paggamit bilang Sanggunian (Referential)

d)

Panghihikayat (Conative)

6.

Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

a)

Pagsimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)

b)

Panghihikayat (Conative)

c)

Paggamit bilang Sanggunian (Referential)

d)

Paggamitng kuro-kuro (Metalingual)

7.

Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

a)

Pagsimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)

b)

Panghihikayat (Conative)

c)

Patalinghaga (Poetic)

d)

Paggamitng kuro-kuro (Metalingual)

8.

Isang larangan ng pag- aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba ng wika sa istruktura ng lipunan.

a)

Linguistics

b)

Socio-Linguistics

c)

Analytics

d)

Polyglot

9.

Sa pananaw ng sosyolingwistiko, ito raw ang pinag-aaralan sa socio-liguistics.

a)

Wika ng katutubo

b)

Wikang ginagamit ng mga speech communities

c)

Wikang kinalakihan ng mga tao

d)

Wikang dayuhan

10.

Ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Ito ang wikang ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad.

a)

Lingua Franca

b)

Dayalekto

c)

Dalubwika

d)

Unang wika