Font size
WorksheetsPQ# 1.2 Anyong Lupa,Tubig,klima at Vegetation Cover
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?
. Ilog Ganges sa Saudi Arabia
Disyerto ng Gobi sa India
Ilog Euphrates sa Iraq
Tibetan Plateau sa Kabundukang Ural
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Napapalibutan ito ng iba’t- ibang anyong tubig. Anong malaking anyong tubig ang nasa gawing silangan ng kontinente?
Karagatang Pasipiko
Karagatang Antartiko
Karagatang Indian
Karagatang Arctic
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang bansa?
Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at malalakas na hangin ang mga nagtatatasang mga kabundukan.
Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na mas malapit sa mga katubigan
Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at bagyo
Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng klima ng mga bansa?
taglay na mga anyong lupa
distansiya sa katubigan
laki ng lupain
lokasyon
Ang Bundok Everest na nakahanay sa pinakamahabang bulubundukin na matatagpuan sa anong rehiyon?
Hilagang Asya
Timog Asya
Silangang Asya
Kanlurang Asya
. Ang Pacific Ring of Fire ay ang malawak na sonang nakalatag sa Asya Pasipiko na nagtataglay ng mga aktibong bulkan. Alin sa mga bansa ang hindi kabilang?
Pilipinas
Japan
China
Indonesia
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapahayag ng katotohanan ukol sa kabuhayan ng Asyano?
Malaki ang papel ng katangiang pisikal sa kultural at ekonomikal na pamumuhay ng mga tao.
Nagiging basehan ang katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano.
Ang laki ng lupain ang magtatakda ng estado ng pamumuhay ng mga Asyano
Mayroong paagkakatulad at pagkakahawig ang mga bansang nasa iisang rehiyon sa kultura, pulitika at uri ng kabuhayan.
Alin sa mga sumunod na katangiang pisikal ang direktang naapektuhan ng klima ng isang bansa?
sukat
lokasyon
vegetation cover
hangganan
Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas ng pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
taiga
desert
tundra
prairie
.Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nabubuo sa malalim na bahagi ng karagatan maliban sa___.
Typhoon
. Earthquake
Cyclone
Hurricane
