Font size
WorksheetsFilipino Reviewer
Total questions: 61
Worksheet time: 3hrs 15mins
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong tungkol sa "Ang Pinakamaliit na Bato."
Ano ang nararamdaman ng mga estudyante habang sila ay naglalakbay?
naiinip
nagugutom
napapagod
nayayamot
Ano ang iniutos ng guro sa kanyang mga estudyante upang magkaroon sila ng panibagong lakas?
dumampot ng bato
humingi ng pagkain sa tindahan
magpahinga sandali
uminom ng tubig sa batis
Bakit kaya naiinis si Islaw sa kanilang guro?
dahil ayaw niya sa kanilang guro
dahil pinapagod sila sa paglalakad
dahil hinahayaan silang mauhaw at magutom
dahil gutom na sila at pagod ay pinagdala pa ng bato
Ano ang mensaheng nangingibabaw sa kabuuan ng kuwentong binasa?
ang pagsisisi ay laging nasa huli
maging masunurin sa iyong guro
sikaping pumulot ng mas malaking bato
matutong magtiis sa oras ng uhaw at gutom
PANUTO: Piliin ang angkop na kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
Maaari sana silang bumili o humingi ng pagkain para mapawi ang kanilang gutom.
mabusog
mapunan
mahawi
mawala
Nayayamot siya sa kanilang guro dahil gutom na sila at pagod ay pagdadalhin pa sila ng bato.
nababalisa
nagagalak
nagtatampo
naiinis
Malayo pa ang kanilang lalakbayin.
hahanapin
pupuntahan
tatahakin
tatawirin
PANUTO: Piliin ang angkop na kasalungat ng salitang may salungguhit.
Ang mga estudyante ay uminom sa malinaw na batis.
malabo
malinis
malumot
marumi
Nagalak ang mga estudyante nang maging tinapay ang hawak nilang bato.
nalungkot
nanlumo
nasiyahan
natuwa
Kaya laking pasasalamat nila nang huminto ang kanilang guro sa paglalakad at humarap sa kanila.
nagmadali
nagpatuloy
sumuko
tumigil
PANUTO: Tukuyin ang uri ng pangngalang nakasalungguhit. Isulat ang PT kung Pantangi at PB naman kung Pambalana.
Ang Pilipinas ay mayaman sa magagandang tanawin kung kaya’t dinarayo ito ng mga turista.
PT
PB
Maraming kabataan ang nahihilig sa online games sa kasalukuyan.
PT
PB
Ang bundok Apo ay isa sa pinakamataas na bundok sa bansa.
PT
PB
Pumunta ang mag-anak sa Tagaytay upang mamasyal.
PT
PB
Mahilig pumunta si tatay sa Starbucks upang magkape.
PT
PB
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong tungkol sa "Ang Alkansya ni Boyet."
Ano ang ginagawa ni Boyet tuwing panahon ng pamumunga ng punongkahoy?
gumagawa ng alkansyang kawayan
naglalaro kasama ang ibang bata
nanonood ng telebisyon maghapon
tumutulong sa kanyang ina
Saan kumukuha si Boyet ng perang hinuhulog niya sa kanyang alkansya?
sa ibinibigay ng kanyang ina
sa kanyang natirang baon sa paaralan
sa pagbebenta ng alkansya
sa pinagbentahan ng kanilang paninda
Anong katangian ang taglay ni Boyet na pwedeng itulad sa katangian ng mga langgam?
pag-iimpok upang may magamit sa oras ng pangangailangan
pagiging matiisin sa panahon ng problema
tulong-tulong ang lahat sa gawain
sama-sama sa hirap at ginhawa
Bakit kaya sinabi ng ina ni Boyet na baka hindi siya makapag-aral sa darating na pasukan?
dahil ayaw ng mag-aral ni Boyet
dahil tinatamad na siyang mag-aral
dahil kakaunti lang ang ani nila sanhi ng bagyo
dahil mas gusto ni Boyet tulungan ang ina sa pagtitinda
PANUTO: Piliin ang angkop na kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
Ang ina ni Boyet na si Aling Pacing ay isang payak na maybahay.
komplikado
magarbo
marangya
simple
PANUTO: Piliin ang angkop na kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
Pinipitas nila ng kanyang inay ang mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.
epekto
kinahinatnan
kinalabasan
prutas
Nasira ang mga tanim na palay ng tatay ni Boyet kaya kapiranggot lang ang kanilang ani.
kakaunti
labis
marami
sobra
Pinipitas nila ng kanyang inay ang mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.
epekto
kinahinatnan
kinalabasan
prutas
PANUTO: Piliin ang angkop na kasalungat ng salitang may salungguhit.
Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa darating na pangangailangan.
mag-ipon
mag-aksaya
magtabi
magtapon
Dahil maluwang ang kanilang bakuran ay labis ang punong namumunga.
kaunti
marami
nag-uumapaw
sobra
Dukha lamang ang pamilya ni Boyet.
salat
mayaman
madali
mahirap
PANUTO: Tukuyin ang kasarian ng nakasalungguhit na pangngalan.
Maraming manggagawa ang nagsasabing hindi sapat ang kanilang sweldo.
Pambabae
Panlalaki
Di Tiyak
Walang Kasarian
Matapang na ipinagtanggol ng binata ang nakababatang kapatid.
Pambabae
Panlalaki
Di Tiyak
Walang Kasarian
Ang fidget spinner ay nakakatulong sa iba upang matanggal o mawala ang stress.
Pambabae
Panlalaki
Di Tiyak
Walang Kasarian
Tuwing pasko ay nakatatanggap ako ng regalo mula kay ninang.
Pambabae
Panlalaki
Di Tiyak
Walang Kasarian
Si G. Ariz ang kasalukuyang punong-guro ng aming paaralan.
Pambabae
Panlalaki
Di Tiyak
Walang Kasarian
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangngalan na may salungguhit.
Si Wasana ay isang batang bayani.
Konkreto o Tahas
Di-konkreto o Basal
Palansak
Ang kabayanihan ay walang pinipiling edad.
Konkreto o Tahas
Di-konkreto o Basal
Palansak
Ang ating hukbo ay maituturing ding mga bayani.
Konkreto o Tahas
Di-konkreto o Basal
Palansak
Ang kanilang katapatan sa bayan ay katumbas ng kanilang buhay.
Konkreto o Tahas
Di-konkreto o Basal
Palansak
Bawat tao ay maari ding magpakita ng kabayanihan kahit sa munting paraan
Konkreto o Tahas
Di-konkreto o Basal
Palansak
Kaya tayo ay sumali sa mga organisasyon na tumutulong na mapaunlad ang ating bayan.
Konkreto o Tahas
Di-konkreto o Basal
Palansak
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang kalabasa ay masustansyang gulay na makatutulong sa mga tao para sa mas malinaw na mata.
Ano ang simuno sa pangungusap?
(a)
Ang kalabasa ay masustansyang gulay na makatutulong sa mga tao para sa mas malinaw na mata.
Ano ang kaganapang pansimuno sa pangungusap?
(a)
Ang kalabasa ay masustansyang gulay na makatutulong sa mga tao para sa mas malinaw na mata.
Ano ang layon ng pandiwa sa pangungusap?
(a)
Ang kalabasa ay masustansyang gulay na makatutulong sa mga tao para sa mas malinaw na mata.
Ano ang layon ng pang-ukol sa pangungusap?
(a)
PANUTO: Tukuyin ang angkop na panghalip panao sa bawat pangungusap.
Kasama _____ ang aming guro sa nalalapit na Family Day.
kami
namin
natin
sila
_____ ay magkakapatid sa mata ng Diyos.
Ako
Kita
Sila
Tayo
_____ ang mga batang magpapatuloy ng nasimulan ng ating mga ninuno.
Ako
Kanya
Kayo
Kita
Sabi _____ mas mabilis matapos ang isang gawain kung tulong-tulong ang lahat.
iyo
kami
nila
tayo
Basta’t kasama _____, lahat ng problema ay kayang malampasan.
iyo
kita
nila
ninyo
Sa _____ ba ang nawawalang lapis?
ikaw
iyo
ko
mo
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
Ang mga salitang ito, iyan, iyon, ganito, hayan at doon ay mga halimbawa ng anong panghalip?
Panghalip Panao
Panghalip Pamatlig
Panghalip Pananong
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
Ang mga salitang sino, ano, alin at kanino ay mga halimbawa ng anong panghalip?
Panghalip Panao
Panghalip Pamatlig
Panghalip Pananong
Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan at sagutin ang tanong.
Ano ang unang pangyayari sa kwentong "Si Pudpod, ang Katerpilar sa Puno ng Bayabas?"
Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan at sagutin ang tanong.
Ano ang ikalawang pangyayari sa kwentong "Si Pudpod, ang Katerpilar sa Puno ng Bayabas?"
Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan at sagutin ang tanong.
Ano ang ikatlong pangyayari sa kwentong "Si Pudpod, ang Katerpilar sa Puno ng Bayabas?"
Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan at sagutin ang tanong.
Ano ang ika-apat pangyayari sa kwentong "Si Pudpod, ang Katerpilar sa Puno ng Bayabas?"
Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan at sagutin ang tanong.
Ano ang ika-huling pangyayari sa kwentong "Si Pudpod, ang Katerpilar sa Puno ng Bayabas?"
Panuto: Anong bahagi ng aklat ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pagkakataon?
Hawak mo ang isang aklat. Gusto mo agad malaman kung ang paksang kailangan mo ay matatagpuan dito.
glosari o talahulugan
talaan ng nilalaman
pabalat
Panuto: Anong bahagi ng aklat ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pagkakataon?
Nakita mong nasa aklat na ito ang iyong hinahanap. Ngayon ay gusto mo ng basahin ang tungkol sa paksang ito.
nilalaman ng aklat
bibliyograpiya o talasangunian
indeks o talatuntunan
Panuto: Anong bahagi ng aklat ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pagkakataon?
Muli kang naghanap ng iba pang aklat. Kinuha mo lahat ng aklat sa kabinet na kaugnay ng Panitikang Pilipino. Anong bahagi ang dapat mong tingnan upang agad mong makuha ang mga aklat na kailangan mo?
glosari o talahulugan
karapatang sipi
pabalat
Panuto: Anong bahagi ng aklat ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pagkakataon?
May mahirap na salita kang hindi maunawaan ang kahulugan.
glosari o talahulugan
karapatang sipi
pabalat
Panuto: Anong bahagi ng aklat ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pagkakataon?
Gusto mong malaman kung kailan naisulat ang aklat.
glosari o talahulugan
pahina ng karapatang sipi
pabalat
Panuto: Gamitin ang pangngalan at panghalip sa isang makabuluhang pangungusap.
pangngalan - mag-aaral
panghalip panao - ako
Panuto: Gumawa ng tatlong pangungusap mula sa tanong sa ibaba.
Bilang isang mag-aaral, ano ang maipapayo mo ngayong panahon ng pandemya sa mga kabataan?
